Mga Patalastas
◼ Alok sa Agosto: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre at Oktubre: Bantayan at Gumising! Nobyembre at Disyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?, Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!, Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?
◼ Simula sa linggo ng Oktubre 28, 2013, ang brosyur na Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? ang gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Kapag natapos na ang brosyur, ang aklat na Maging Malapít kay Jehova ang pag-aaralan simula sa linggo ng Enero 6, 2014 sa mga kongregasyong Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog. Para naman sa mga kongregasyong Bicol, Pangasinan, at Waray-Waray, ang aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! ang pag-aaralan simula sa Enero 6, 2014. Ang mga kongregasyon na nangangailangan ng mga publikasyong ito ay dapat umorder sa kanilang susunod na literature request.
◼ Simula sa Setyembre, ang pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sa mga kongregasyon ay “Kung Paano Dinaraig ng Pag-ibig at Pananampalataya ang Sanlibutan.”