Iskedyul Para sa Linggo ng Setyembre 2
LINGGO NG SETYEMBRE 2
Awit 47 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 13 ¶20-26 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Corinto 1-9 (10 min.)
Blg. 1: 1 Corinto 4:18–5:13 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung Nadarama Mo na Parang Dati Nang Pamilyar sa Iyo ang mga Bagong Kakilala o Dako, Ito ba’y Nagpapatunay na Totoo ang Reinkarnasyon?—rs p. 354 ¶3–p. 356 ¶1 (5 min.)
Blg. 3: Kung Paano Mapananatili ng mga Kristiyano ang Kagalakan sa Kabila ng Karamdaman—Fil. 4:6, 7 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Setyembre. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit magugustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa. Gayundin ang gawin sa Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Tularan si Bernabe. Pagtalakay. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano makatutulong sa atin bilang mga ebanghelisador ang pagtulad kay Bernabe.
Awit 65 at Panalangin