Iskedyul Para sa Linggo ng Setyembre 16
LINGGO NG SETYEMBRE 16
Awit 21 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 14 ¶8-13 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Corinto 1-7 (10 min.)
Blg. 1: 2 Corinto 1:15–2:11 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ano ang Pagkakaiba ng Reinkarnasyon at ng Pag-asang Iniaalok ng Bibliya?—rs p. 357 ¶4–p. 358 ¶1 (5 min.)
Blg. 3: Ano ang Dapat Gawin ng Isa Para Manganlong sa Pangalan ni Jehova?—Zef. 3:12 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Kabataan—Ano ang Gagawin Ninyo sa Inyong Buhay?—Bahagi 2. Pahayag batay sa tract na Inyong Buhay, mula parapo 10 hanggang dulo. Interbyuhin sandali ang isang nasa buong-panahong paglilingkod na nagsimula noong kabataan niya. Ano ang nakaimpluwensiya sa kaniyang desisyon? Anong mga pagpapala ang tinatamasa niya?
10 min: Kapag Mag-isa Kang Naglilingkod. Pagtalakay. (1) Kapag wala tayong partner sa pangangaral, ano ang tutulong sa atin na mapanatili ang ating kagalakan? (2) Paano tayo mag-iingat kapag dumadalaw-muli nang mag-isa? (3) Kung karaniwan nang walang nagtitipon para sa paglilingkod sa larangan kapag iskedyul natin sa ministeryo, paano natin hihimukin ang iba sa kongregasyon na samahan tayo? (4) Ano ang mga pakinabang ng paglilingkod kung minsan kahit mag-isa, kapag ligtas naman sa oras at lugar na napili natin?
10 min: “Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?” Tanong-sagot. Repasuhin sandali ang disenyo at nilalaman ng brosyur.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Marso 2013, pahina 3.
Awit 107 at Panalangin