Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 21
LINGGO NG OKTUBRE 21
Awit 33 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 15 ¶13-20 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Tesalonica 1-5–2 Tesalonica 1-3 (10 min.)
Blg. 1: 1 Tesalonica 2:9-20 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ano ang Matututuhan Natin Mula sa Mabuti at Masamang mga Bagay na Ginawa ni Solomon?—Roma 15:4 (5 min.)
Blg. 3: Ano ang Pangmalas ng Bibliya Tungkol sa Pagsasama-sama ng Iba’t Ibang Relihiyon (Interfaith)?—rs p. 362 ¶1–p. 363 ¶2 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
15 min: Ano ang Ating Natutuhan? Pagtalakay. Ipabasa ang Marcos 1:40-42, Marcos 7:32-35, at Lucas 8:43-48. Talakayin kung paano makatutulong sa ating ministeryo ang mga ulat na ito.
15 min: “Gamitin ang Ating Web Site sa Pagtuturo sa Inyong mga Anak.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 3, ipaliwanag kung paano makikita ang “Guide ng Magulang” at magbigay ng isang halimbawa na makikita roon. Kapag tinatalakay ang parapo 4, tanungin ang mga tagapakinig kung paano nila ginamit ang ating opisyal na Web site para sa kanilang pampamilyang pagsamba.
Awit 88 at Panalangin