Iskedyul Para sa Linggo ng Hulyo 7
LINGGO NG HULYO 7
Awit 99 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 9 ¶21-24, kahon sa p. 96 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 17-20 (10 min.)
Blg. 1: Levitico 19:19-32 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung Bakit ang Pinahiran-ng-Espiritung mga Kristiyano, o “Santo,” ay Hindi Malaya sa Kasalanan—rs p. 393 ¶5 (5 min.)
Blg. 3: Kalaliman—Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Kalaliman—it-1 p. 1348-1349 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Ialok ang mga Magasin sa Hulyo. Pagtalakay. Magsimula sa pamamagitan ng pagtatanghal kung paano maiaalok ang mga magasin gamit ang sampol na mga presentasyon sa pahinang ito. Pagkatapos, himay-himayin ang pagtalakay sa dalawang sampol na presentasyon. Bilang pagtatapos, pasiglahin ang lahat na maging pamilyar sa mga magasin at lubusang makibahagi sa pag-aalok ng mga ito.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Ano ang Naisagawa Natin? Pagtalakay na gagampanan ng kalihim. Banggitin ang mga naisagawa sa panahon ng Memoryal, at papurihan ang kongregasyon sa mga nagawa nito. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng mga karanasan sa pamamahagi ng mga imbitasyon sa Memoryal o sa pag-o-auxiliary pioneer.
Awit 123 at Panalangin