Iskedyul Para sa Linggo ng Hulyo 28
LINGGO NG HULYO 28
Awit 58 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 10 ¶18-21, kahon sa p. 106 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 1-3 (10 min.)
Blg. 1: Bilang 3:21-38 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ang “Lahat ng Uri ng Tao” ay Maliligtas—rs p. 96 ¶2 (5 min.)
Blg. 3: Akusasyon—Paano Inaasikaso ang mga Akusasyon sa Ilalim ng Kautusang Hebreo at Batas Romano?—it-1 p. 74-75 ¶2 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Handa Ka ba sa mga Problema sa Paaralan? Pagtalakay. Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang ilan sa mga problemang nararanasan ng mga kabataang Kristiyano sa paaralan. Ipaliwanag kung paano magagamit ng mga magulang ang ating Web site at mga publikasyon para maihanda ang kanilang mga anak. (1 Ped. 3:15) Magsabi ng isa o dalawang karaniwang problema, at bumanggit ng ilang praktikal na payo mula sa organisasyon. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano sila nakapagpatotoo sa paaralan.
10 min: Interbyuhin ang Kalihim. Ano ang mga ginagawa ninyo bilang kalihim ng kongregasyon? Paano makakatulong sa inyo ang mga tagapangasiwa ng grupo at ang mga mamamahayag para makagawa kayo agad ng tumpak na ulat ng paglilingkod ng kongregasyon? Paano nakakatulong ang tumpak na ulat para makapagbigay ng kinakailangang pampatibay-loob ang mga elder, tagapangasiwa ng sirkito, at tanggapang pansangay?
10 min: “Kunin Bilang Parisan ang mga Propeta—Si Zefanias.” Tanong-sagot.
Awit 70 at Panalangin