Iskedyul Para sa Linggo ng Agosto 11
LINGGO NG AGOSTO 11
Awit 71 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 11 ¶9-16 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 7-9 (10 min.)
Blg. 1: Bilang 9:9-23 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Hindi Nangangahulugan na Minsang Naligtas ay Lagi Nang Ligtas—rs p. 97 ¶4-7 (5 min.)
Blg. 3: Acan—Ang Pagnanakaw sa Diyos ay May Napakasamang mga Resulta—it-1 p. 41 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
5 min: “1914-2014: Isang Daang Taon ng Kaharian!” Pagtalakay. Ipabasa ang parapo sa itaas ng pahinang ito. Sa buwang ito, itatampok ang Kaharian sa mga bahagi sa Pulong sa Paglilingkod. Repasuhin ang mga kaayusan ng inyong kongregasyon para sa paglilingkod sa larangan.
10 min: “Gamitin ang Bagong Tract Tungkol sa Ating Website.” Talakayin ang nilalaman ng tract. Magkaroon ng isang pagtatanghal. Iaalok ng isang mamamahayag ang tract at gagamitin ang kaniyang gadyet para ipakita sa kausap ang jw.org.
15 min: “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Lakas-Loob na Makipag-usap Tungkol sa Kaharian.” Pagtalakay. Ipatanghal sa dalawang mamamahayag ang eksenang ito: Isang mamamahayag ang nakapila sa isang groseri. Titingnan ng katabi niya ang isang magasing pambalita at sasabihin: “Ang gulo na talaga ng mundo! Pinipilit ng lahat na ayusin ang mga problema, pero lalo lang lumalala.” Makikipag-usap sa sarili ang mamamahayag: ‘Dapat akong magsalita. Dapat kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa Kaharian!’ Sasabihin ng mamamahayag: “Oo nga—puro na lang masamang balita. Pero puwede ko bang ibigay sa ‘yo ang tract na ito? Nakatulong sa ‘kin ang website na tinatalakay dito para masagot ang mahahalagang tanong sa buhay.” Babanggitin niya ang isang punto mula sa tract, at magpapakita ng interes ang kausap.
Awit 92 at Panalangin