Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 13
LINGGO NG OKTUBRE 13
Awit 8 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 14 ¶10-15 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 4-6 (10 min.)
Blg. 1: Deuteronomio 4:29-43 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Mga Pagbabagong Dapat Gawin Para Mapaluguran ang Diyos—rs p. 403 ¶1-3 (5 min.)
Blg. 3: Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad—rs p. 402 ¶3-5 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Ano ang Ibig Sabihin ng Pangangaral Nang May Pagkaapurahan? Masiglang pahayag na nagtatampok sa 2 Timoteo 4:2. Gamitin ang materyal sa Bantayan, Marso 15, 2012, pahina 16-17, parapo 7-9.
10 min: Bakit Apurahan ang Ating Pangangaral? Pahayag ng isang elder batay sa Bantayan, Marso 15, 2012, pahina 15-16, parapo 3-6, at pahina 18, parapo 14-18. Idiin kung paanong ang pagsunod sa tagubilin sa serye ng mga artikulong “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo” sa Ministeryo sa Kaharian ay makatutulong sa atin na mangaral nang may pagkaapurahan.
15 min: “Samantalahin ang mga Pagkakataon Mo na Ihayag ang Kaharian!” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 3, anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang karanasan sa di-pormal na pagpapatotoo. Bilang pagtatapos, iugnay ang tema para sa buwan na ito. Pasiglahin ang mga tagapakinig na basahin ang dalawang artikulong “Pakikipag-usap sa Iba” na tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
Awit 97 at Panalangin