Mga Patalastas
◼ Alok sa Oktubre: Bantayan at Gumising! Nobyembre at Disyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, Ano ang Bibliya Para sa Iyo?, o Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Enero at Pebrero: Iaalok ang brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? Para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya, maaaring patuloy na gamitin ang brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos!
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong panrehiyong kombensiyon ay dapat baguhin para marepaso ang mga payo at paalaala mula sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, Setyembre 2014, gayundin sa liham sa lahat ng kongregasyon na may petsang Agosto 3, 2013, tungkol sa mga pag-iingat sa kaligtasan kapag dumadalo sa espirituwal na mga programa. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga punto mula sa kombensiyon na nakita ng mga mamamahayag na nakatutulong sa kanilang ministeryo.
◼ Maaaring dalhin sa kombensiyon ang mga matitirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo.