Iskedyul Para sa Linggo ng Nobyembre 3
LINGGO NG NOBYEMBRE 3
Awit 79 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 15 ¶11-19 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 14-18 (10 min.)
Blg. 1: Deuteronomio 15:16–16:8 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung Bakit Natin Tinatanggap ang Kasalanan sa Kung Ano Ito—rs p. 120 ¶1–p. 121 ¶1 (5 min.)
Blg. 3: Pag-aampon—Kung Paano Minamalas at Isinasagawa ang Pag-aampon, Gaya ng Ipinakikita sa Hebreong Kasulatan—it-2 p. 521 ¶2-5 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Tulungan ang mga Bata na Maghanda Para sa Ministeryo. Pagtalakay. I-play ang video na Maging Kaibigan ni Jehova—Magbahay-bahay Tayo. (Magpunta sa jw.org/tl, at tingnan sa ilalim ng TURO NG BIBLIYA > MGA BATA.) Tanungin ang mga bata: Ilan sa inyo ang may preaching bag? Ano ang laman ng bag ninyo? Ano ang unang inilagay ni Sophia sa kaniyang bag? Ano pa ang kailangan niya? Pagkatapos niyang ihanda ang kaniyang bag, anong mahalagang bagay ang gagawin nila ng kaniyang nanay? Ipatanghal sa isang bata ang pag-aalok niya ng magasin.
10 min: Kung Paano Ipinangangaral ng Iba ang Salita Nang May Pagkaapurahan. Iinterbyuhin ng elder ang dalawa o tatlong mamamahayag na nag-adjust ng kanilang mga iskedyul para makapagpayunir o mapalawak ang kanilang pakikibahagi sa ministeryo. Bilang pagtatapos, repasuhin ang mga kaayusan ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan, at pasiglahin ang lahat na gumawa ng praktikal na mga pagbabago para lubusang makabahagi sa ministeryo.
10 min: Paano Sumulong ang Iyong Ministeryo? Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Hilingan ng komento ang mga tagapakinig kung paano nakatulong sa kanila ang mga artikulong “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo” para sumulong sila sa iba’t ibang pitak ng ministeryo. Bilang pagtatapos, pasiglahin ang lahat na patuloy na mangaral nang may pagkaapurahan sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga mungkahi sa mga artikulong ito.
Awit 100 at Panalangin