Iskedyul Para sa Linggo ng Hunyo 8
LINGGO NG HUNYO 8
Awit 6 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 25 ¶17-21, kahon sa p. 259 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Samuel 19-21 (8 min.)
Blg. 1: 2 Samuel 19:24-37 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Paano Ka Magiging Maligaya?—igw p. 22 ¶1-3 [nwt-E p. 26 ¶1-3] (5 min.)
Blg. 3: Caifas—Tema: Ang mga May-sala sa Dugo na Sumasalansang sa Katotohanan ay Hindi Mananaig—it-1 p. 467 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: “Alalahanin mo ang mga araw noong sinauna.”—Deut. 32:7.
10 min: “Alalahanin Mo ang mga Araw Noong Sinauna.” Pahayag batay sa tema sa buwang ito. Basahin at talakayin ang Deuteronomio 4:9 at 32:7 gayundin ang Awit 71:15-18. Ipaliwanag kung paano nakikinabang ang mga ebanghelisador ngayon sa paggunita sa mga tao at pangyayari mula sa ating teokratikong kasaysayan. Imungkahi na pag-usapan paminsan-minsan ng mga mamamahayag ang mga artikulo sa Bantayan sa seryeng “Mula sa Aming Archive” sa kanilang Pampamilyang Pagsamba. Pahapyawan ang ilang bahagi ng Pulong sa Paglilingkod para sa buwang ito, at talakayin ang kaugnayan nito sa tema.
20 min: “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan Gamit ang Brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos!” Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang mga bahagi ng ulat ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan na nagpapakitang may potensiyal pang dumami ang mga Bible study. Ipatanghal sa isang makaranasang mamamahayag kung paano pasisimulan ang pag-aaral sa Bibliya sa pintuan gamit ang presentasyon sa kahon. Pasiglahin ang lahat na magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa pintuan.
Awit 29 at Panalangin