Iskedyul Para sa Linggo ng Hunyo 15
LINGGO NG HUNYO 15
Awit 77 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 26 ¶1-9 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Samuel 22-24 (8 min.)
Blg. 1: 2 Samuel 22:21-32 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Cain—Tema: Ang Ating Pagtugon sa Payo ay Nagsisiwalat Kung Ano Tayo—it-1 p. 467-468 (5 min.)
Blg. 3: Ang Pag-ibig at Pagkamasunurin ay Nagdudulot ng Kaligayahan—igw p. 22 ¶4-6 [nwt-E p. 26 ¶4-6] (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: “Alalahanin mo ang mga araw noong sinauna.”—Deut. 32:7.
12 min: Sino ang Paborito Mong Tauhan sa Bibliya? Interbyu at pahayag. Magsimula sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa dalawa o tatlong bata sa kongregasyon. Sino ang paborito nilang tauhan sa Bibliya? Ayon sa Bibliya, ano ang ginawa ng tauhang ito? Ano ang gusto nilang tularan sa tauhang ito sa Bibliya? Pagkatapos, ituloy sa isang pahayag na nagpapaliwanag kung paano makikinabang ang mga bata mula sa mga Bible card na nasa jw.org/tl. (Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > MGA BATA.) Makikita sa bawat Bible card ang impormasyon at mga larawan ng tauhan, isang mapa kung saan ito nakatira, time line kung kailan ito nabuhay, at tatlong tanong at sagot tungkol sa tauhan. Ang bawat card ay puwedeng i-print at kolektahin. Pasiglahin ang mga magulang na may maliliit na anak na gamitin ang pantulong na ito sa pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa “mga araw noong sinauna.”—Deut. 32:7.
18 min: “Matuto Mula sa Mas Makaranasang mga Mamamahayag.” Pagtalakay. Sa ikalawang parapo, anyayahan ang mga tagapakinig na magkuwento kung paano sila nakinabang habang naglilingkod sa ministeryo kasama ng isang makaranasang mamamahayag.
Awit 4 at Panalangin