Pangangaral sa isang mag-ina sa West Bengal, India
Sampol na Presentasyon
ANG BANTAYAN
Tanong: Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong paminsan-minsan. Pero saan natin ito makikita?
Teksto: 2Co 1:3, 4
Alok: Tinatalakay ng isyung ito ng Bantayan kung paano tayo tinutulungan ng Diyos.
ANG BANTAYAN (likod ng magasin)
Tanong: Iniisip ng ilan na ang Kaharian ng Diyos ay isang kalagayan sa puso ng tao; iniisip naman ng iba na ito ay resulta ng pagsisikap ng tao para maging payapa ang mundo. Ano sa palagay mo?
Teksto: Dan 2:44
Alok: Ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Diyos ay isang totoong gobyerno. Ipinaliliwanag pa ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos.
ITURO ANG KATOTOHANAN
Tanong: Bakit natin masasabi na nagmamalasakit sa atin ang Diyos?
Teksto: 1Pe 5:7
Katotohanan: Inaanyayahan tayo ng Diyos na manalangin sa kaniya dahil nagmamalasakit siya sa atin.
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.