KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 119
‘Lumakad sa Kautusan ni Jehova’
Ang paglakad sa kautusan ni Jehova ay nangangahulugang handa tayong magpasakop sa patnubay ng Diyos. Marami tayong magagandang halimbawa ng mga tao sa Bibliya na sumunod sa kautusan ni Jehova at nagtiwala sa kaniya, at isa na rito ang salmista.
Ang tunay na kaligayahan ay nakasalalay sa paglakad natin sa kautusan ng Diyos
Nagpakita si Josue ng lubos na pagtitiwala sa tagubilin ni Jehova. Alam niya na para maging maligaya at matagumpay, kailangan niyang magtiwala kay Jehova nang buong puso
Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng lakas ng loob upang maharap natin ang mga pagsubok sa buhay
Nagpakita si Jeremias ng lakas ng loob at pagtitiwala kay Jehova sa mahihirap na kalagayan. Pinanatili niyang simple ang kaniyang buhay at hindi sumuko sa kaniyang atas
Ang tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kumpiyansa para mangaral
Hindi natakot si Pablo na ibahagi kaninuman ang mensahe ng Diyos. Lubos siyang nagtiwala sa tulong ni Jehova nang mangaral siya kay Gobernador Felix
Sa anong mga sitwasyon ako makapagpapakita ng higit na kumpiyansa sa pagpapatotoo sa iba?
Paaralan
Trabaho
Pamilya
Iba pa