Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 3 p. 11
  • Pagpapala Para sa mga Sumusunod sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapala Para sa mga Sumusunod sa Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1. MAGIGING MARUNONG TAYO
  • 2. MAGIGING MALIGAYA TAYO
  • Ang Pag-ibig ng Diyos ay Walang Hanggan
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • “Ito ang Kahulugan ng Pag-ibig sa Diyos”
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Handa Ka Bang Sumunod?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Ano ang Hinihiling sa Atin ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 3 p. 11
Isang pamilyang nagba-bonding. Naghahanda ng pagkain ang nanay kasama ng isa niyang anak. Tinitingnan ng tatay ang isang photo album kasama ng isa pa nilang anak.

Magiging maligaya tayo kung susundin natin ang mga utos ng Diyos

Pagpapala Para sa mga Sumusunod sa Diyos

Sinabi ng propetang si Moises na kung susundin natin ang mga utos ng Diyos, pagpapalain niya tayo. (Deuteronomio 10:13; 11:27) Sumusunod tayo sa Diyos hindi dahil natatakot tayong maparusahan. Kapag nakikita natin ang magagandang katangian ng Diyos, mas minamahal natin siya at ayaw nating makagawa ng bagay na magpapalungkot sa kaniya. Dahil dito, sinusunod natin siya. “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos: Sundin natin ang mga utos niya.”​—1 Juan 5:3.

Anong mga pagpapala ang matatanggap ng mga sumusunod sa Diyos? Tingnan ang dalawa sa mga ito:

1. MAGIGING MARUNONG TAYO

“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka, ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.”​—ISAIAS 48:17.

Kilala tayo ng Diyos na Jehova, ang ating Maylalang, at pinapatnubayan niya tayo. Kapag pinag-aralan natin ang Banal na Kasulatan, malalaman natin kung ano ang gusto ng Diyos na gawin natin. At kapag sinunod natin ang mga ito, makakagawa tayo ng tamang desisyon.

2. MAGIGING MALIGAYA TAYO

“Maligaya ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—LUCAS 11:28.

Sa ngayon, milyon-milyon ang nagiging maligaya dahil sinusunod nila ang Salita ng Diyos. Halimbawa, isang lalaki na taga-Spain ang mainitin ang ulo at hindi magandang makitungo sa iba—pati na sa asawa niya. Isang araw, nabasa niya ang isinulat ng propetang si Moises tungkol sa kahinahunan ni Jose, ang anak ni Jacob. Ibinenta si Jose para maging alipin at di-makatarungang ibinilanggo, pero nanatili siyang mahinahon, mapagpayapa, at mapagpatawad. (Genesis, kabanata 37-45) Sinabi ng lalaking taga-Spain: “Dahil sa halimbawa ni Jose, napakilos ako na maging mahinahon at mabait at magkaroon ng pagpipigil sa sarili. Kaya mas masaya na ang buhay ko.”

Itinuturo ng Banal na Kasulatan kung paano natin dapat pakitunguhan ang iba. Tatalakayin ito sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share