Tutulungan mo ba ang iba kahit hindi mo sila kaedad, kalahi, o karelihiyon?
Pagpapala Para sa mga Tumutulong sa Iba
Maraming tao sa buong mundo ang nangangailangan ng pagkain at tirahan. Ang iba naman ay nangangailangan ng pag-asa. Kapag tinulungan natin sila, pagpapalain tayo ng Diyos.
ANG SINASABI NG BANAL NA KASULATAN
“Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova, at babayaran Niya siya dahil sa ginawa niya.”—KAWIKAAN 19:17.
ANG IBIG SABIHIN NG PAGTULONG SA IBA
Nagbigay si Jesus ng ilustrasyon tungkol sa isang lalaking binugbog ng mga magnanakaw at iniwang halos patay na. (Lucas 10:29-37) May isang tao na huminto para tulungan at alagaan ang lalaking ito, kahit hindi niya ito kakilala. Ginawa niya ito kahit magkaiba sila ng pinagmulan.
Hindi lang niya basta ginamot ang sugat ng lalaki at tinulungan ito sa materyal, pinagaan niya rin ang emosyonal na paghihirap nito.
Ano ang matututuhan natin dito? Itinuturo ni Jesus na dapat nating gawin ang anumang magagawa natin para tulungan ang mga nangangailangan. (Kawikaan 14:31) Sinasabi ng Banal na Kasulatan na malapit nang alisin ng Diyos ang kahirapan at pagdurusa. Pero baka maitanong natin, paano at kailan ito gagawin ng Diyos? Sa susunod na artikulo, aalamin natin kung anong mga pagpapala ang ibibigay sa atin ng mapagmahal nating Maylalang.