KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 23-24
Inakusahang Salot at Nagsusulsol ng Sedisyon
Ang mga Judio sa Jerusalem ay “nagpasiyang sumailalim ng isang sumpa” para mapatay si Pablo. (Gaw 23:12) Pero kalooban ni Jehova na magpatotoo si Pablo sa Roma. (Gaw 23:11) Narinig ng pamangkin ni Pablo ang tungkol sa pakana at iniulat ito, kaya hindi napatay si Pablo. (Gaw 23:16) Ano ang itinuturo sa iyo ng ulat na ito tungkol sa . . .
anumang pagtatangkang hadlangan ang layunin ng Diyos?
paraang maaaring gamitin ng Diyos para tulungan tayo?
lakas ng loob?