PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Matibay na Pananampalataya sa Bibliya—Paano?
Kayang baguhin ng Bibliya ang buhay natin. (Heb 4:12) Pero kailangang kumbinsido tayo na talagang “salita [ito] ng Diyos” para makinabang tayo sa patnubay at mga payo nito. (1Te 2:13) Ano ang puwede nating gawin para mapatibay ang pananampalataya natin sa Bibliya?
Magbasa ng Bibliya araw-araw. Habang nagbabasa, maghanap ng ebidensiyang si Jehova ang Awtor nito. Halimbawa, pag-isipan ang mga payong mababasa sa aklat ng Kawikaan. Makikita mong totoo pa rin ang mga ito hanggang ngayon.—Kaw 13:20; 14:30.
Gumawa ng study project. Pag-aralang mabuti ang ebidensiyang galing sa Diyos ang Bibliya. Sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova, tingnan ang “Bibliya” at pagkatapos, “Kinasihan ng Diyos.” Titibay rin ang tiwala mong hindi nagbago ang mensahe ng Bibliya kung pag-aaralan mo ang Apendise A3 ng Bagong Sanlibutang Salin.
PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG BAKIT NANANAMPALATAYA TAYO SA . . . SALITA NG DIYOS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano napatunayang totoo ang Bibliya dahil sa natuklasang pader ng templo sa Karnak, Egypt?
Paano natin nalamang hindi nagbago ang mensahe ng Bibliya?
Dahil may Bibliya pa rin hanggang ngayon, paano nito pinatutunayang galing ito sa Diyos?—Basahin ang Isaias 40:8