ABRIL 1-7
AWIT 23-25
Awit Blg. 4 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Si Jehova ang Aking Pastol”
(10 min.)
Inaakay tayo ni Jehova (Aw 23:1-3; w11 5/1 31 ¶3)
Pinoprotektahan tayo ni Jehova (Aw 23:4; w11 5/1 31 ¶4)
Pinapakain tayo ni Jehova (Aw 23:5; w11 5/1 31 ¶5)
Gaya ng isang mapagmahal na pastol na nag-aalaga sa mga tupa niya, inaalagaan din ni Jehova ang mga lingkod niya.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ako inaalagaan ni Jehova?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Aw 23:3—Ano ang “matuwid na mga landas,” at paano tayo makakapanatili rito? (w11 2/15 24 ¶1-3)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 23:1–24:10 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-share ng isang nakakapagpatibay na teksto sa kausap mong nag-aalala tungkol sa kapaligiran. (lmd aralin 2: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita sa kausap mong tumanggap ng brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman kung paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 9: #3)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) lff aralin 14: #4 (lmd aralin 11: #3)
Awit Blg. 54
7. Hindi Tayo Nakikinig sa Tinig ng Iba
(15 min.) Pagtalakay.
Alam ng mga tupa ang tinig ng pastol nila at sumusunod sila sa kaniya. Nilalayuan naman nila ang ibang tao na hindi nila kilala ang tinig. (Ju 10:5) Gaya ng mga tupa, nakikinig din tayo sa tinig ng ating mapagmahal at mapagkakatiwalaang mga Pastol, si Jehova at si Jesus. (Aw 23:1; Ju 10:11) Pero hindi tayo nakikinig sa tinig ng iba na gustong pahinain ang pananampalataya natin gamit ang “mapanlinlang na pananalita.”—2Pe 2:1, 3.
Mababasa sa ikatlong kabanata ng Genesis ang unang pagkakataong narinig ang isang di-kilalang tinig sa lupa. Itinago ni Satanas kay Eva kung sino talaga siya. Nagkunwari siyang kaibigan nito, at binaluktot niya ang mga sinabi at motibo ni Jehova. Nakakalungkot, nakinig si Eva, kaya sobra-sobrang pagdurusa ang inabot niya at ng pamilya niya.
Sa ngayon, gusto rin ni Satanas na magduda tayo kay Jehova at sa organisasyon Niya kaya nagkakalat siya ng mga negatibong ulat at impormasyong di-totoo o may halong kasinungalingan. Kapag narinig natin ang isang di-kilalang tinig, dapat tayong lumayo! Napakadelikado kung makikinig tayo, kahit sandali lang, dahil lang sa curious tayo. Hindi kinailangan ni Satanas ng maraming salita para madaya si Eva. (Gen 3:1, 4, 5) Paano kung isang kakilala natin—isang taong nagmamahal sa atin at may mabuting intensiyon—ang gustong mag-share ng negatibong impormasyon tungkol sa organisasyon ni Jehova?
I-play ang VIDEO na Huwag Makinig sa ‘Tinig ng Iba.’ Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang natutuhan mo sa ginawa ni Joy nang may gustong i-share ang nanay niyang di-Saksi?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 8 ¶1-4, mga kahon sa p. 61-62