Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb24 Marso p. 10-11
  • Abril 8-14

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Abril 8-14
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
mwb24 Marso p. 10-11

ABRIL 8-14

AWIT 26-28

Awit Blg. 34 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Si Haring David habang marubdob na nananalangin.

1. Ang Ginawa ni David Para Patibayin ang Determinasyon Niyang Manatiling Tapat

(10 min.)

Hiniling ni David kay Jehova na dalisayin siya (Aw 26:​1, 2; w04 12/1 14 ¶8-9)

Iniwasan ni David ang masasamang kasama (Aw 26:​4, 5; w04 12/1 15-16 ¶12-13)

Gustong-gusto ni David na sambahin si Jehova (Aw 26:8; w04 12/1 16 ¶17-18)



Kahit nakagawa ng mga pagkakamali si David, namuhay siya nang “may katapatan ng puso.” (1Ha 9:4) Kitang-kita ang katapatan ni David sa buong-pusong paglilingkod niya at pagmamahal kay Jehova.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 27:10—Paano makakatulong ang tekstong ito kapag pakiramdam natin, iniwan tayo ng taong malalapít sa atin? (w06 7/15 28 ¶15)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Aw 27:​1-14 (th aralin 2)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) BAHAY-BAHAY. Gumamit ng tract mula sa Toolbox sa Pagtuturo. (th aralin 3)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Talakayin ang tanong sa likod ng tract na iniwan mo noong nakaraan ninyong pag-uusap. Ipakita ang jw.org, pati na ang ilang paksang nandoon. (lmd aralin 9: #3)

6. Pahayag

(5 min.) lmd apendise A: #3​—Tema: Magiging Maganda Ulit ang Lupa. (th aralin 13)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 128

7. Mga Teenager na Nananatiling Malinis sa Moral

(15 min.) Pagtalakay.

Kabataang lalaki na pinag-iisipan ang tekstong kakabasa pa lang niya. Nasa tabi niya ang isang tablet na nagpapakita ng isang eksena mula sa video na “Buhay ng Teenager​—Paano Ko Malalabanan ang Pressure na Makipag-sex?” Sa eksenang iyon, tumatakas si Jose mula sa asawa ni Potipar.

Hindi madali para sa mga kabataang Kristiyano na manatiling malinis sa moral. Kailangan kasi nilang paglabanan ang pagiging di-perpekto at manatiling malinis habang nasa kasibulan sila ng kabataan, kung kailan karaniwan nang matindi ang seksuwal na pagnanasa. (Ro 7:21; 1Co 7:36) Kailangan din nilang labanan ang pressure na makipag-sex, sa di-kasekso man o sa kasekso. (Efe 2:2) Natutuwa tayo sa mga kabataang patuloy na nananatiling tapat.

I-play ang VIDEO na Buhay ng Teenager—Paano Ko Malalabanan ang Pressure na Makipag-sex? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Anong pressure ang naranasan nina Cory at Kamryn mula sa mga kaklase nila?

  • Ano ang nakatulong sa kanila para manatiling tapat?

  • Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang makakatulong sa iyo kapag napaharap ka sa ganoon ding sitwasyon?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 8 ¶5-12

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 38 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share