Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb24 Hulyo p. 10-16
  • Agosto 5-11

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Agosto 5-11
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2024
mwb24 Hulyo p. 10-16

AGOSTO 5-11

AWIT 70-72

Awit Blg. 59 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. ‘Sabihin sa Susunod na Henerasyon’ ang Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos

(10 min.)

Noong kabataan si David, naranasan niya ang proteksiyon ni Jehova (Aw 71:5; w99 9/1 18 ¶17)

Noong matanda na siya, naramdaman niya ang pag-alalay ni Jehova (Aw 71:9; g04 10/8 23 ¶3)

Sinabi ni David sa mga kabataan ang mga karanasan niya para patibayin sila (Aw 71:​17, 18; w14 1/15 23 ¶4-5)

Larawan ng pamilyang makikita rin sa bahaging “Mga Prinsipyo Para sa Gabi ng Pampamilyang Pagsamba.” Nag-imbita sila ng may-edad nang mag-asawa sa pampamilyang pagsamba nila. Masayang nakikinig ang pamilya habang ipinapakita ng mag-asawa ang mga larawan nila at ikinukuwento ang mga karanasan nila.

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Sino sa mga kakongregasyon ko na matagal nang naglilingkod ang gusto kong interbyuhin sa Pampamilyang Pagsamba namin?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 72:8—Paano natupad ang pangako ni Jehova kay Abraham na nasa Genesis 15:18 noong naghahari si Haring Solomon? (it-1 734)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Aw 71:​1-24 (th aralin 5)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Kapag nakikipagtalo na ang kausap mo, magalang na tapusin ang pag-uusap. (lmd aralin 4: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipagpatuloy ang pag-uusap ninyo ng isang kamag-anak mong nagsabi na nag-aalinlangan siyang mag-aral ng Bibliya. (lmd aralin 8: #4)

6. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo

(5 min.) Pahayag. ijwfq 49—Tema: Bakit Binabago ng mga Saksi ni Jehova ang Ilang Paniniwala Nila? (th aralin 17)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 76

7. Mga Ideya Para sa Pampamilyang Pagsamba

(15 min.) Pagtalakay.

Ang pamilya ring iyon na nakatayo at nagpapraktis ng mga Kingdom song.
Ang pamilya ring iyon na nanonood ng JW Broadcasting.
Sa Pampamilyang Pagsamba, may practice session ang nanay at isa sa mga anak niyang babae.

Mahalaga ang Pampamilyang Pagsamba para matuto ang mga anak sa “disiplina at patnubay ni Jehova.” (Efe 6:4) Kailangan ng pagsisikap para matuto, pero puwede itong gawing nakaka-enjoy, lalo na sa mga anak na gusto pang matuto ng mga katotohanan sa Bibliya. (Ju 6:27; 1Pe 2:2) Talakayin ang kahong “Mga Puwedeng Gawin sa Pampamilyang Pagsamba,” na makakatulong sa mga magulang na gawing masaya at nakakapagturo ang Pampamilyang Pagsamba. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong:

  • Alin sa mga ito ang gusto ninyong subukan?

  • May alam pa ba kayong iba na makakatulong?

MGA PUWEDENG GAWIN SA PAMPAMILYANG PAGSAMBA

BIBLIYA:

  • Makinig sa isang audio recording para sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya, o magpalitan sa pagbabasa nito nang malakas. Ang bawat miyembro ng pamilya ay puwedeng magbasa ng sinasabi ng isang tauhan sa Bibliya

  • Maghanda ng mga tanong base sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya. Papiliin ang bawat miyembro ng isang tanong at pag-aralan iyon. Pagkatapos, ipakuwento sa kanila ang mga natutuhan nila

  • Magbigay ng isang tanong o sitwasyon. Pagkatapos, hanapin ang mga prinsipyo sa Bibliya na babagay dito gamit ang aklat na Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay

  • Isadula ang isang ulat sa Bibliya

  • Maghanda ng mga flash card na may iba’t ibang teksto sa Bibliya kada linggo, gaya ng nasa apendise A sa brosyur na Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad, at subukang kabisaduhin ang mga ito. Repasuhin ang mga card mula sa nakaraang mga linggo

  • Pag-aralan ang isang bahagi ng aklat na Masayang Buhay Magpakailanman

  • Atasan ang mga miyembro ng pamilya na magreport tungkol sa isang artikulo mula sa mga seryeng “Sagot sa mga Tanong sa Bibliya” o “Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya” na makikita sa tab na TURO NG BIBLIYA sa jw.org

PULONG:

  • Paghandaan ang isang bahagi ng pulong

  • Maghanda ng mga komento at praktisin iyon. Orasan ang mga komento

  • Magpraktis ng mga Kingdom song

  • Pag-usapan at praktisin ang sasabihin para patibayin ang iba bago o pagkatapos ng susunod na pulong

  • Kung may bahagi ang isang miyembro ng pamilya bilang estudyante sa nalalapit na midweek meeting, praktisin ito

MINISTERYO:

  • Maghanda para sa pagbabahay-bahay

  • Maghanda para sa inyong mga pagdalaw-muli

  • Mag-isip ng isang setting para sa di-pormal na pagpapatotoo, at praktisin kung paano magpapasimula ng isang palakaibigang pakikipag-usap

  • Pag-usapan ang mga espesipikong tunguhin para palawakin ang ministeryo ninyo sa panahon ng Memoryal o kapag walang pasok sa trabaho o paaralan

PANGANGAILANGAN NG PAMILYA:

  • Praktisin kung paano haharapin ang isang sitwasyon na naranasan o posibleng maranasan gaya ng pambu-bully, pakikipag-date, mga selebrasyon, o isyu sa pagiging neutral

  • Magkaroon ng practice session kung saan magpapalit ng papel ang mga magulang at mga anak. Pag-aaralan ng mga anak ang paksa at gagamitin nila ito sa pangangatuwiran sa mga magulang nila

IBA PANG PUWEDENG GAWIN:

  • Panoorin at pag-usapan ang isang programa ng JW Broadcasting®

  • Magbasa ng isang artikulo o manood ng isang video sa jw.org, at pag-usapan ito

  • Pumili ng isang mapag-uusapan mula sa mga seksiyong “Mga Kabataan” o “Mga Bata” na makikita sa tab na TURO NG BIBLIYA sa jw.org

  • Repasuhin ang mga nota mula sa nakaraang kombensiyon o asamblea

  • Obserbahan o pag-aralan ang isang nilalang, at pag-usapan kung ano ang itinuturo nito tungkol kay Jehova

  • Imbitahan paminsan-minsan ang iba na sumama sa inyo, at interbyuhin siya

  • Magtakda ng espirituwal na mga tunguhin, at pag-usapan kung paano ninyo maaabot ang mga iyon

  • Magkakasamang gumawa ng isang project gaya ng modelo ng arka ni Noe, o pag-aralan ang ilang mapa at chart sa Bagong Sanlibutang Salin at mga publikasyon natin

I-play ang VIDEO na Patuloy na Pasulungin ang Inyong Pampamilyang Pagsamba. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang puwedeng gawin ng asawang lalaki para mag-enjoy ang misis niya sa kanilang pampamilyang pagsamba kahit wala na silang kasamang mga anak o wala silang anak?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 13 ¶17-24

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 123 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share