MAYO 5-11
KAWIKAAN 12
Awit Blg. 101 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Pinagpapala ang Masipag
(10 min.)
Huwag sayangin ang panahon sa paghahabol sa walang-kabuluhang mga bagay (Kaw 12:11)
Maging masipag at magtrabaho nang mabuti (Kaw 12:24; w16.06 30 ¶7)
Pagpapalain ang kasipagan mo (Kaw 12:14)
TIP: Mas magiging masaya ka sa pagiging masipag kung pag-iisipan mo kung paano ka nakakatulong sa iba.—Gaw 20:35; w15 2/1 5 ¶4-6.
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 12:16—Paano makakatulong ang tekstong ito para maging matatag ang isang tao kahit may mga problema? (ijwyp artikulo 95 ¶10-11)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 12:1-20 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 1: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 5: #4)
6. Pagdalaw-Muli
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita ang website natin sa kausap na may mga anak. (lmd aralin 9: #3)
7. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo
(3 min.) Pagtatanghal. ijwfq artikulo 3—Tema: Naniniwala Ka Ba na Tunay ang Relihiyon Mo? (lmd aralin 4: #3)
Awit Blg. 21
8. Makakayanan Mo ang Problema sa Pinansiyal sa Tulong ni Jehova
(15 min.) Pagtalakay.
Nag-aalala ka ba kasi hindi ka makakita ng trabaho, baka mawalan ka ng trabaho, hindi sapat ang kinikita mo, o kung may sapat ka bang ipon para sa pagtanda mo? Pabago-bago ang kalagayan ng ekonomiya. Pero tinitiyak ni Jehova na kung uunahin natin siya, ilalaan niya ang mga pangangailangan natin kahit pa magkaroon tayo ng problema sa pinansiyal.—Aw 46:1-3; 127:2; Mat 6:31-33.
I-play ang VIDEO na Hindi Tayo Bibiguin ni Jehova. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang natutuhan mo sa karanasan ni Brother Alvarado?
Basahin ang 1 Timoteo 5:8. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano nakatulong ang tekstong ito para mapatibay ang pagtitiwala mo na laging ilalaan ni Jehova ang pangangailangan ng mga lingkod niya?
Pag-isipan ang mga prinsipyong ito sa Bibliya na makakatulong kapag may problema ka sa pinansiyal:
Magpasimple ng buhay. Iwasan ang mga di-kinakailangang utang at gastusin.—Mat 6:22
Gumawa ng mga desisyon tungkol sa trabaho at edukasyon na tutulong sa iyo na unahin ang paglilingkod kay Jehova.—Fil 1:9-11
Maging mapagpakumbaba at handang mag-adjust. Iwasang maging mapili sa trabaho. Kung wala ka pang trabaho, subukan kahit simpleng mga trabaho para mailaan mo ang pangangailangan ng pamilya mo.—Kaw 14:23
Maging handang magbigay anuman ang mayroon ka, kahit gaano man iyon kaliit.—Heb 13:16
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 26 ¶1-8, mga kahon sa p. 204, 208