MAYO 12-18
KAWIKAAN 13
Awit Blg. 34 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Huwag Magpadaya sa “Lampara ng Masasama”
(10 min.)
Walang kinabukasan ang masasama (Kaw 13:9; it-2 170 ¶7-8)
Huwag makisama sa mga taong pinagmumukhang mabuti ang masama (Kaw 13:20; w12 7/15 12 ¶3)
Pinagpapala ni Jehova ang matuwid (Kaw 13:25; w04 7/15 31 ¶6)
Ang buhay ng mga naghahangad ng mga bagay sa mundo ay hindi kasinsaya at kasingganda ng inaasahan nila. Pero ang mga gumagawa ng kalooban ni Jehova ay tunay na masaya
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 13:24—Ano ang itinuturo ng tekstong ito tungkol sa pagpapakita ng pag-ibig at pagdidisiplina? (it-2 605 ¶4)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 13:1-17 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Matapos masimulan ang pag-uusap tungkol sa isang kasalukuyang pangyayari, magbahagi ng isang teksto sa Bibliya na nakita mong magiging mas interesado ang kausap mo. (lmd aralin 2: #5)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Imbitahan ang kausap na dumalo sa pulong. (lmd aralin 2: #3)
6. Pahayag
(5 min.) lmd apendise A: #9—Tema: Mapapabuti ang mga Anak Kapag Iginagalang at Sinusunod Nila ang mga Magulang Nila. (th aralin 16)
Awit Blg. 77
7. “Ang Liwanag ng mga Matuwid ay Nagniningning”
(8 min.) Pagtalakay.
Walang makakapantay sa kaalaman at karunungang makikita sa Salita ng Diyos. Kung susundin natin ang mga natututuhan natin dito, mas mapapabuti tayo at magiging mas masaya. Hinding-hindi iyan kayang ibigay ng mundong ito.
I-play ang VIDEO na Hindi Maibibigay ng Sanlibutan ang Isang Bagay na Hindi Nito Taglay. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano ipinakita sa karanasan ni Sister Gainanshina na mas nakahihigit ang “liwanag ng mga matuwid” kaysa sa “lampara ng masasama”?—Kaw 13:9
Huwag sayangin ang panahon mo sa kakaisip sa mga bagay sa mundong ito, o huwag panghinayangan ang mga isinakripisyo mo para makapaglingkod kay Jehova. (1Ju 2:15-17) Sikaping magpokus sa nakuha mong “nakahihigit na halaga ng kaalaman.”—Fil 3:8.
8. Lokal na Pangangailangan
(7 min.)
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 26 ¶9-17