MAYO 19-25
KAWIKAAN 14
Awit Blg. 89 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Pag-isipan ang mga Gagawin Mo Kapag Nagkaroon ng Sakuna
(10 min.)
Huwag paniwalaan “ang lahat ng naririnig” mo (Kaw 14:15; w23.02 23 ¶10-12)
Huwag dumepende sa nararamdaman mo o sa mga naranasan mo na (Kaw 14:12)
Huwag makinig sa mga hindi sumusunod sa tagubilin ng organisasyon ni Jehova (Kaw 14:7)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Mga elder, handa ba kayong sumunod sa mga tagubilin at magtiwala kay Jehova kapag may mga sakuna?—w24.07 5 ¶11.
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 14:1-21 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Magsabi ng isang punto mula sa Bibliya sa kausap mo na nagsabing nag-aalala siya sa kalagayan ng ekonomiya. (lmd aralin 3: #3)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng magasin tungkol sa paksang nagustuhan ng may-bahay noong huli kayong mag-usap. (lmd aralin 9: #4)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Pasiglahin ang Bible study mo na basahin ang Bibliya araw-araw, at ipakita kung paano niya iyon magagawa. (th aralin 19)
Awit Blg. 126
7. Laging Maging Handa sa Sakuna
(15 min.) Pagtalakay.
Bahagi ng isang elder. Kung may mga paalala mula sa tanggapang pansangay at lupon ng matatanda, basahin ito.
Nasa “mga huling araw” na tayo at pahirap na nang pahirap ang kalagayan natin. (2Ti 3:1; study note sa Mat 24:8, nwtsty) Kapag may sakuna, laging nakakatanggap ang bayan ni Jehova ng mga tagubilin. Makakaligtas tayo kung magiging masunurin tayo ngayon at maghahanda sa espirituwal at pisikal na paraan.—Kaw 14:6, 8.
Maghanda sa espirituwal: Gumawa ng magandang rutin sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Sikaping maging mas mahusay sa iba’t ibang paraan ng pangangaral. Huwag mag-panic kung pansamantala kang mapahiwalay sa mga kapatid. (Kaw 14:30) Walang makakapaghiwalay sa iyo kay Jehova at kay Kristo Jesus.—od 176 ¶15-17
Maghanda sa pisikal: Bukod sa go bag, ang bawat pamilya ay dapat magtabi ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangangailangan sakaling kailangan nilang manatili nang matagal-tagal sa isang lugar.—Kaw 22:3; g17.5 4
I-play ang VIDEO na Handa Ka Ba sa Sakuna? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano tayo tinutulungan ni Jehova kapag may sakuna?
Ano ang puwede nating gawin ngayon pa lang para maging handa?
Paano natin matutulungan ang mga naging biktima ng sakuna?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 26 ¶18-22, kahon sa p. 209