HUNYO 9-15
KAWIKAAN 17
Awit Blg. 157 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
Mag-asawang Israelita na masayang kumakain sa isang tahimik na lugar
1. Kung Paano Mapapanatiling Maganda ang Pagsasama Ninyong Mag-asawa
(10 min.)
Kailangan ang pagsisikap para mapanatili ang kapayapaan, pero sulit naman iyon (Kaw 17:1; tingnan ang larawan)
Huwag pag-awayan ang maliliit na bagay (Kaw 17:9; g 9/14 11 ¶2)
Kontrolin ang nararamdaman mo (Kaw 17:14; w08 5/1 11 ¶1-2)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 17:24—Ano ang ibig sabihin ng “ang mga mata ng mangmang ay pagala-gala hanggang sa dulo ng lupa”? (it-2 338 ¶3)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 17:1-17 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 3: #5)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 6: #4)
6. Pahayag
(5 min.) ijwbv artikulo 60—Tema: Ano ang Ibig Sabihin ng Kawikaan 17:17? (th aralin 13)
Awit Blg. 113
7. Kung Paano Magiging Bukás ang Komunikasyon
(15 min.) Pagtalakay.
Mahalaga ang komunikasyon para maging masaya ang pamilya. Kapag mas madalas mag-usap ang pamilya, mas marami silang nagagawa nang sama-sama at mas natutulungan nila ang isa’t isa kapag may problema. (Kaw 15:22) Ano ang puwede ninyong gawin para maging bukás ang komunikasyon ninyo?
Maglaan ng panahon para magkasama-sama. (Deu 6:6, 7) Kapag laging magkakasama ang pamilya sa pagdalo sa pulong, pagmiministeryo, at paglilibang, nagiging mas malapít sila sa isa’t isa. Nagkakaroon din sila ng pagkakataon na masayang makapag-usap-usap. Kung minsan, baka may gusto kang gawin na iba sa gusto ng kapamilya mo. Pero kung magsasakripisyo ka para makasama mo sila, sulit iyon! (Fil 2:3, 4) Pero paano ninyo masusulit ang panahong magkakasama kayo?—Efe 5:15, 16.
I-play ang VIDEO na Sundan ang Mapa Para sa Mapayapang Pamilya—Regular at Nakakapagpatibay na Pag-uusap. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang puwedeng maging epekto ng maling paggamit ng mga gadyet sa pag-uusap ng pamilya?
Ano pang aral ang natutuhan ninyo sa video tungkol sa pag-uusap ng pamilya?
Makinig nang mabuti. (San 1:19) Kapag hindi agad nagre-react o nagagalit ang mga magulang, mas madaling nailalabas ng mga anak ang mga iniisip nila. Kaya sikaping maging kalmado kapag may sinabi ang anak ninyo. (Kaw 17:27) Magpakita ng empatiya at makinig nang mabuti. Sikaping unawain ang iniisip at nararamdaman ng anak ninyo para matulungan siya at maipadamang mahal ninyo siya.
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 27 ¶19-22, kahon sa p. 212