HUNYO 16-22
KAWIKAAN 18
Awit Blg. 90 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Patibayin ang mga May Problema sa Kalusugan
(10 min.)
Magpagabay sa karunungan ng Diyos kapag nagpapatibay (Kaw 18:4; w22.10 22 ¶17)
Sikaping unawain ang pinagdadaanan niya (Kaw 18:13; mrt artikulo 19 kahon)
Maging isang kaibigan na matulungin at mapagpasensiya (Kaw 18:24; wp23.1 14 ¶3–15 ¶1)
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Kapag may problema sa pisikal o mental na kalusugan ang asawa ko, ano ang mga puwede kong gawin para matulungan siya?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 18:1-17 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(1 min.) BAHAY-BAHAY. Iba ang wika ng kausap mo. (lmd aralin 2: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Sinabi ng kausap mo na nagmamadali siya. (lmd aralin 7: #4)
6. Pagdalaw-Muli
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Magsabi sa kausap mo ng isang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos. (lmd aralin 9: #5)
7. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo
(4 min.) Pagtatanghal. ijwfq artikulo 29—Tema: Naniniwala Ka Ba sa Creationism? (lmd aralin 5: #5)
Awit Blg. 144
8. Tulungan ang mga Mahal Mo sa Buhay na Mapalapít kay Jehova “Nang Walang Salita”
(15 min.) Pagtalakay.
Marami sa atin ang may kakilalang hindi naglilingkod ngayon kay Jehova—asawa, anak, o kaibigan natin na napalayo sa kongregasyon. Dahil gustong-gusto nating maglingkod sila kay Jehova, baka nagiging masyado na tayong mapilit. Tama naman ang motibo natin pero baka lumala lang ang sitwasyon dahil sa mga sinasabi natin. (Kaw 12:18) Ano kaya ang mas magandang gawin?
Ipinapaliwanag sa 1 Pedro 3:1 na puwedeng ‘makumbinsi nang walang salita’ ang di-sumasampalatayang asawa. Ayaw man niyang pag-usapan ang katotohanan sa Bibliya, puwede pa rin siyang matulungan ng asawa niya na makilala si Jehova. Puwedeng mapalambot ng paggawi ng asawang sumasampalataya ang puso ng asawa niya kung ipapakita niya ang makadiyos na mga katangian gaya ng pag-ibig, kabaitan, at karunungan. (Kaw 16:23) Talagang malaki ang magagawa ng paggawi at kabaitan natin para matulungan ang mga mahal natin sa buhay na hindi pa naglilingkod kay Jehova.—“Mabait” study note sa Col 4:6, nwtsty.
I-play ang VIDEO na Mga Nakikipaglaban Para sa Pananampalataya—Asawa ng Di-sumasampalataya. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang natutuhan mo kay Sister Sasaki?
Ano ang natutuhan mo kay Sister Ito?
Ano ang natutuhan mo kay Sister Okada?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 27 ¶23-26, mga kahon sa p. 214, 217