Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb25 Setyembre p. 8-9
  • Setyembre 29–Oktubre 5

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Setyembre 29–Oktubre 5
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
mwb25 Setyembre p. 8-9

SETYEMBRE 29–OKTUBRE 5

ECLESIASTES 3-4

Awit Blg. 93 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Masayang mag-asawa na magkasamang nagbabasa ng Bibliya.

Maglaan ng panahon sa isa’t isa kasama si Jehova

1. Kung Paano Papatibayin ang Pag-aasawa

(10 min.)

Maglaan ng panahon para sa isang makabuluhang pag-uusap (Ec 3:1; ijwhf artikulo 10 ¶2-8)

Gumawang magkasama (Ec 4:9; w23.05 23 ¶12-14)

Patibayin ang kaugnayan ninyo kay Jehova (Ec 4:12; w23.05 21 ¶3)


TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano ang posibleng maging epekto sa pagsasama naming mag-asawa kung matagal kaming magkakahiwalay, halimbawa, hindi kami magkasamang magbabakasyon o magkakahiwalay kami dahil sa trabaho?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Ec 3:8—Bakit sinabi sa tekstong ito na may “panahon para umibig at panahon para mapoot”? (it “Pag-ibig” ¶39)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Ec 4:1-16 (th aralin 2)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Gamitin ang Bantayan Blg. 1 2025 para magpasimula ng pakikipag-usap. I-adjust ang sasabihin mo kapag nagpakita ang kausap mo ng interes sa ibang paksa. (lmd aralin 2: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa isang taong tumanggap ng Bantayan Blg. 1 2025. (lmd aralin 9: #4)

6. Pahayag

(5 min.) lmd apendise A: #12—Tema: Hindi Nagtatangi ang Diyos. (th aralin 19)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 131

7. Kapag May Problema Kayong Mag-asawa, Laging Isipin si Jehova

(15 min.) Pagtalakay.

Ibinigay ni Jehova ang lahat ng kailangan ng mga Kristiyanong mag-asawa para maging masaya at matagumpay ang pagsasama nila. Pero paminsan-minsan, nagkakaproblema pa rin ang mga mag-asawa. (1Co 7:28) Kung hindi nila ito aayusin, hindi sila magiging masaya at magkakapatong-patong lang ang mga problema nila. Paano kung maging ganiyan ang pagsasama ninyong mag-asawa?

Ipinakita sa video na Ano ang Tunay na Pag-ibig? ang isang mag-asawa na may mabigat na problema sa pagsasama nila. Naalala ba ninyo ang payo ng tatay sa anak niya nang gagawa ito ng isang mabigat na desisyon pero hindi iniisip si Jehova?

I-play ang VIDEO na Ano ang Tunay na Pag-ibig?—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Kapag may problema sa pag-aasawa, bakit dapat umasa sa patnubay ni Jehova?—Isa 48:17; Mat 19:6

Kung may problema kayong mag-asawa sa pagsasama ninyo, laging isama si Jehova. Panatilihin ninyo ang magandang espirituwal na rutin. Sikaping solusyunan ang mga problema ninyo gamit ang mga prinsipyo sa Bibliya at mga impormasyong nasa publikasyon. Tutulong ang mga iyan para makita ninyo ang pananaw ni Jehova, at masunod ang mga tagubilin niya. Kung gagawin ninyo iyan, makakatanggap kayo ng tulong at pagpapala ni Jehova.—Kaw 10:22; Isa 41:10.

Eksena mula sa video na “Huwag Maniwala sa Kapayapaang Ibinibigay ng Mundo!—Darrel at Deborah Freisinger.” Isang pagsasadula ng kabataang si Sister Freisinger na nakatingin sa isang larawan.

I-play ang VIDEO na Huwag Maniwala sa Kapayapaang Ibinibigay ng Mundo!—Darrel at Deborah Freisinger. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang matututuhan natin sa karanasan nina Brother at Sister Freisinger tungkol sa pagharap nila sa mabibigat na problema sa pag-aasawa?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 22, intro sa seksiyon 5, at aral 23

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 51 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share