OKTUBRE 6-12
ECLESIASTES 5-6
Awit Blg. 42 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
Nakikinig nang mabuti ang mga Israelita sa isang saserdote na nagpapaliwanag ng Kautusan
1. Kung Paano Maipapakita ang Matinding Paggalang sa Ating Diyos
(10 min.)
Maipapakita natin ang paggalang kung makikinig tayong mabuti sa mga pulong at magiging maingat sa pananamit at pag-aayos (Ec 5:1; w08 8/15 15-16 ¶17-18)
Kapag nangunguna sa panalangin, dapat na may paggalang at hindi masyadong mahaba (Ec 5:2; w09 11/15 11 ¶21)
Tinutupad natin ang panata nating paglingkuran si Jehova (Ec 5:4-6; w17.04 6 ¶12)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Ec 5:8—Paano makakatulong ang tekstong ito kapag nakakaranas tayo ng kawalang-katarungan? (w20.09 31 ¶3-5)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Ec 5:1-17 (th aralin 12)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(1 min.) BAHAY-BAHAY. Gustong makipagtalo ng kausap mo. (lmd aralin 4: #5)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakipag-usap ang isang paksa mula sa “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro” na nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 1: #3)
6. Pagdalaw-Muli
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita at talakayin (pero huwag i-play) ang isang video mula sa Toolbox sa Pagtuturo. (lmd aralin 7: #3)
7. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) lff aralin 17: intro at #1-3 (lmd aralin 11: #3)
Awit Blg. 160
8. Ginagamit Mo Ba ang “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro”?
(15 min.) Pagtalakay.
Mula nang ilabas ang brosyur na Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad, nakatulong ito sa atin na maging mas mahusay sa pakikipag-usap. Malaking tulong ang apendise A para maipakipag-usap natin sa iba ang mga simpleng katotohanan sa Bibliya. (Heb 4:12) Pamilyar ka ba sa siyam na paksang makikita sa “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro”?
Paano mo maipapakipag-usap ang isang katotohanan sa Bibliya sa tamang pagkakataon?—lmd apendise A
Anong mga paksa ang pinakaepektibo sa teritoryo ninyo?
Paano ka magiging mas pamilyar sa mga teksto na nasa apendise A?
Kung madalas nating gagamitin sa ministeryo ang mga tekstong ito, mas magiging pamilyar tayo sa mga ito. Siyempre, para magamit natin lagi ang mga ito, kailangan nating makipag-usap sa mga tao sa ministeryo.
I-play ang VIDEO na Pinapatalas ng Bakal ang Bakal—Kung Paano May Makausap sa Teritoryo. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang makakatulong sa atin para mas marami tayong makausap sa teritoryo?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 24-25