OKTUBRE 13-19
ECLESIASTES 7-8
Awit Blg. 39 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Pumunta sa Bahay ng Namatayan”
(10 min.)
Maglaan ng panahon para patibayin ang namatayan (Ec 7:2; it “Pagdadalamhati” ¶9)
Mapapatibay mo rin siya kung pag-uusapan ninyo ang magagandang katangian ng namatay (Ec 7:1; w19.06 23 ¶15)
Manalangin kasama ng namatayan (w17.07 16 ¶16)
TANDAAN: Madalas na kailangan pa rin ng mga namatayan ng pampatibay mula sa mga kapatid kahit ilang panahon na ang lumipas.—w17.07 16 ¶17-19.
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Ec 7:20-22—Paano makakatulong sa atin ang tekstong ito para malaman kung kailangan ba nating kausapin o hindi na ang nakasakit sa atin? (w23.03 31 ¶18)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Ec 8:1-13 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Alamin kung sa anong paksa interesado ang kausap mo at kung paano mo siya makakausap ulit. (lmd aralin 2: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 2: #3)
6. Pagdalaw-Muli
(2 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita ang ilan sa nilalaman ng website natin, ang jw.org. (lmd aralin 9: #4)
7. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo
(5 min.) Pagtatanghal. ijwfq artikulo 50—Tema: Ano ang Ginagawa ng mga Saksi sa Burol at Libing? (th aralin 17)
Awit Blg. 151
8. Patibayin ang Pananampalataya sa Pagkabuhay-Muli
(15 min.) Pagtalakay.
Isa sa pinakamagandang regalo sa atin ni Jehova ang ipinangako niyang pagkabuhay-muli. Kitang-kita dito ang mga katangian ni Jehova gaya ng kapangyarihan, karunungan, awa, at higit sa lahat, ang pag-ibig niya sa atin bilang indibidwal.—Ju 3:16.
Kapag matibay ang pananampalataya natin sa pagkabuhay-muli, makakayanan natin ang mga problema. (2Co 4:16-18) Magiging payapa at panatag din tayo kahit mapaharap tayo sa pag-uusig, pagkakasakit, o kahit mamatayan tayo ng mahal sa buhay. (1Te 4:13) Kung hindi tayo naniniwala sa pagkabuhay-muli, hindi tayo magiging tunay na masaya. (1Co 15:19) Kaya patibayin ang pananampalataya mo sa napakagandang pag-asang ito.
Basahin ang Juan 11:21-24. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano ipinakita ni Marta na talagang totoo sa kaniya ang pagkabuhay-muli?
Paano siya pinagpala dahil sa pananampalataya niya?—Ju 11:38-44
I-play ang VIDEO na Tularan ang mga Babaeng Matibay ang Pananampalataya!—Marta. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit napakahalaga sa iyo ng pag-asang pagkabuhay-muli?
Paano mo mapapanatiling matibay ang pananampalataya mo sa pagkabuhay-muli?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 26-27