OKTUBRE 20-26
ECLESIASTES 9-10
Awit Blg. 30 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Ano ang Dapat na Maging Pananaw Ko sa mga Problema?
(10 min.)
Alam natin na kapag may problema tayo, hindi ibig sabihin nito na wala ang pagsang-ayon ni Jehova sa atin (Ec 9:11; w13 8/15 14 ¶20-21)
Alam natin na daranas tayo ng kawalang-katarungan sa sistemang ito ni Satanas (Ec 10:7; w19.09 4 ¶10)
Kahit may mga problema tayo, dapat nating pahalagahan ang mga pagpapalang ibinibigay ni Jehova (Ec 9:7, 10; w11 10/15 8 ¶1-2)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Ec 10:12-14—Bakit dapat nating iwasan ang tsismis o paninirang-puri? (it “Tsismis, Paninirang-Puri” ¶4, 8)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Ec 10:1-20 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Makipag-usap sa isang taong mukhang malungkot. (lmd aralin 3: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakipag-usap sa isang taong nag-aalala sa kalagayan ng ekonomiya ang isa sa “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro” mula sa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 4: #4)
6. Paggawa ng mga Alagad
Awit Blg. 47
7. Tutulungan Ka ni Jehova Kapag May Mabibigat Kang Problema
(15 min.) Pagtalakay.
Araw-araw, napapaharap tayo sa iba’t ibang problema. Pero kung minsan, bigla na lang dumarating ang mas mabibigat na problema na makakaapekto sa emosyonal, pisikal, at espirituwal na paraan. Kapag nangyari iyan, sino ang makakatulong sa atin?
Anumang problema ang mapaharap sa atin, lagi tayong patatatagin ni Jehova. (Isa 33:6) Para tulungan tayo ni Jehova, dapat na alam natin ang limitasyon natin. (Kaw 11:2) Kung mapaharap tayo sa isang trahedya, kailangan natin ng sapat na panahon para makagawa ng tamang desisyon, maalagaan ang sarili natin at mga mahal natin sa buhay, at para magkaroon tayo ng panahong magdalamhati. (Ec 4:6)
Ginagamit din ni Jehova ang mga lingkod niya para patibayin nila ang isa’t isa. Kaya maging handa na humingi o tumanggap ng tulong. Tandaan, mahal na mahal ka ng mga kapatid at masaya sila na tulungan ka.
Basahin ang 2 Corinto 4:7-9. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit dapat nating sikaping ipagpatuloy ang espirituwal na rutin natin kahit parang mahirap itong gawin?
I-play ang VIDEO na “Si Jehova ay Malapit sa mga May Pusong Nasasaktan.” Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano tinulungan ni Jehova sina Brother at Sister Septer?
Paano sila tinulungan ng mga kapatid?
Ano pa ang matututuhan mo sa halimbawa nila?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 28, intro sa seksiyon 6, at aral 29