DISYEMBRE 22-28
ISAIAS 11-13
Awit Blg. 14 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Sino ang Magiging Mesiyas?
(10 min.)
Magmumula siya kay Jesse, na ama ni David (Isa 11:1; ip-1 159 ¶4-5)
Sasakaniya ang espiritu ng Diyos at ang espiritu ng pagkatakot kay Jehova (Isa 11:2, 3a; ip-1 159 ¶6; 160 ¶8)
Magiging matuwid at maawain siyang hukom (Isa 11:3b-5; ip-1 160 ¶9; 161 ¶11)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Bakit mas nakakahigit si Jesus sa sinumang tagapamahalang tao?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Isa 11:10—Paano natupad ang hulang ito? (ip-1 165-166 ¶16-18)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Isa 11:1-12 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 2: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Gamitin ang jw.org para masagot ang tanong ng kausap mo. (lmd aralin 8: #3)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Tulungan ang Bible study mo na maghanda para magbahay-bahay. (lmd aralin 11: #4)
Awit Blg. 57
7. Humahatol Ka Ba “sa Matuwid na Paraan”?
(15 min.) Pagtalakay.
Araw-araw, nahahatulan o nahuhusgahan natin ang mga tao. Minsan, hindi natin ito namamalayan. May mga pagkakataong nakabase lang ito sa nakikita natin. Pero hindi ganiyan si Jesus. (Isa 11:3, 4) Nakikita ni Jesus ang nasa puso natin, at nauunawaan niya ang mga iniisip at motibo natin. Hindi natin ito kayang gawin. Pero ginagawa natin ang lahat para matularan si Jesus. Sinabi niya: “Huwag na kayong humatol batay sa inyong nakikita, kundi humatol kayo sa matuwid na paraan.”—Ju 7:24.
Puwedeng maapektuhan ang pangangaral natin kung humuhusga tayo base sa mga nakikita lang natin. Halimbawa, baka mag-alangan tayong mangaral sa mga tao na iba ang pinagmulan o relihiyon. Baka matakot na rin tayong mangaral sa mga taong mayaman o mahirap. Iniisip ba natin na dahil sa panlabas na anyo ng isa, hindi na siya magpapakita ng interes? Gusto ng Diyos na “maligtas ang lahat ng uri ng tao at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1Ti 2:4.
I-play ang VIDEO na Mga Aral Mula sa Bantayan—Huwag Humatol Batay sa Panlabas na Anyo. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Anong mga pagtatangi ang nabanggit sa video?
Kung may pagtatangi sa kongregasyon, ano ang magiging epekto nito?
Ano ang nakatulong sa mga kapatid na iwasang manghusga base sa nakikita nila?
Ano ang mga natutuhan mo sa artikulo ng Bantayan na binanggit sa video?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 46-47