Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb26 Enero p. 6-7
  • Enero 19-25

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Enero 19-25
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2026
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2026
mwb26 Enero p. 6-7

ENERO 19-25

ISAIAS 24-27

Awit Blg. 159 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. “Siya ang Ating Diyos!”

(10 min.)

Napakarami nating dahilan para ipagmalaki ang Diyos nating si Jehova (Isa 25:9; cl 17 ¶21)

Marami siyang pagpapalang ibibigay sa atin sa bagong sanlibutan—kasama na ang maraming masasarap na pagkain (Isa 25:6; w24.12 6 ¶14)

Bibigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan (Isa 25:​7, 8; w25.01 28-29 ¶11-12)

Isang may-edad na ­brother na naka-wheelchair ang nangangaral sa caregiver ­niya.

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Sa linggong ito, kanino ko puwedeng sabihin ang mga pangako ni Jehova?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Isa 24:2—Bakit naiiba ang format ng tekstong ito sa nirebisang Bagong Sanlibutang Salin kumpara sa mga naunang edisyon nito? (w15 12/15 17 ¶1-3)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Isa 25:​1-9 (th aralin 10)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Alamin kung sa anong paksa interesado ang kausap mo. Ipakita ang ilan sa nilalaman ng website natin, ang jw.org. (lmd aralin 1: #3)

5. Pakikipag-usap Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang katotohanan mula sa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 9: #4)

6. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo

(5 min.) Pagtatanghal. ijwbq artikulo 160—Tema: Bakit Tinawag na Anak ng Diyos si Jesus? (th aralin 3)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 144

7. Lubos na Umasa kay Jehova Kapag Naghahanda sa Pagpapagamot o Pagpapaopera

(15 min.) Pagtalakay.

Iniingatan ni Jehova ang “mga lubos na umaasa sa [kaniya].” (Basahin ang Isaias 26:3.) Kapag naghahanda para sa medical emergency, maipapakita nating lubos tayong umaasa kay Jehova kung gagamitin natin ang mga inilaan niyang tulong mula sa organisasyon niya.

Mga eksena mula sa ­video na “Handa Ka Ba sa Medical Emergency?” 1. Isang ­brother na nagre-research gamit ang Bibliya at ang aralin 39 ng aklat na “Masayang Buhay Magpakailanman”. 2. Isang ­brother na nagpi-fill out ng DPA. 3. Isang miyem­bro ng Hospital Liaison Committee na tumatawag para mag-assist. 4. Isang sister na ipinapakita ang mga dokumento sa doktor.

I-play ang VIDEO na Handa Ka Ba sa Medical Emergency? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Anong tatlong tulong ang ibinigay ni Jehova para makapaghanda tayong mabuti sa mga medical emergency?

  • Paano makakatulong sa atin ang mga dokumento tungkol sa pagpapagamot?a

  • Kailan magandang kontakin ang Hospital Liaison Committee?

  • Ano ang masasabi mo sa mga tulong na ito mula sa maibigin nating Ama, si Jehova?

Ang pangako sa Isaias 26:3 na ‘patuloy tayong bibigyan ni Jehova ng kapayapaan’ ay hindi nangangahulugang poprotektahan niya tayo mula sa mga problema sa kalusugan. Pero dahil sa tulong na ibinibigay niya mula sa organisasyon niya, nagiging panatag at payapa tayo sa mga ganitong sitwasyon.

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 54-55

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 53 at Panalangin

a Makakahingi sa mga elder ng Impormasyon Para sa mga Nagdadalang-tao (S-401), Impormasyon Para sa mga Pasyenteng Nangangailangan ng Operasyon o Chemotherapy (S-407), at ng Impormasyon Para sa mga Magulang na May Anak na Nangangailangan ng Medikal na Panggagamot (S-55).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share