Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp22 Blg. 1 p. 6-7
  • 1 | Huwag Magtangi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1 | Huwag Magtangi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Turo ng Bibliya:
  • Ang Ibig Sabihin:
  • Ang Puwede Mong Gawin:
  • Tito—“Isang Kamanggagawa Para sa Inyong Kapakanan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Aklat ng Bibliya Bilang 56—Tito
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Tito
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • 3 | Alisin ang Poot sa Isip Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
wp22 Blg. 1 p. 6-7
Itim na lalaki hawak ang litrato ng puting lalaki na nakangiti, at puting lalaki hawak ang litrato ng itim na lalaki na nakangiti. Sa background makikita ang mga larawan ng galit na mga tao.

KUNG PAANO DADAIGIN ANG POOT

1 | Huwag Magtangi

Turo ng Bibliya:

“Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—GAWA 10:34, 35.

Ang Ibig Sabihin:

Hindi tayo hinahatulan ng Diyos na Jehovaa dahil sa ating bansang pinagmulan, lahi, kulay ng balat, o kultura. Sa halip, tinitingnan niya kung ano talaga ang mas mahalaga—ang ating pagkatao. Sinasabi rin ng Bibliya na “ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”​—1 Samuel 16:7.

Ang Puwede Mong Gawin:

Hindi tayo nakakabasa ng puso, pero matutularan natin ang Diyos na hindi nagtatangi. Sikaping tingnan ang iba hindi bilang grupo kundi bilang indibidwal. Kung napapansin mong negatibo ang tingin mo sa iba—baka dahil sa kaniyang lahi o bansang pinagmulan—manalangin sa Diyos na tulungan kang mabago iyon. (Awit 139:23, 24) Kung mananalangin ka kay Jehova na malabanan mo ang pagtatangi sa puso mo, makakasiguro kang papakinggan at tutulungan ka niya.​—1 Pedro 3:12.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

“Hindi ko pa naranasang maupong katabi ng isang puti . . . Bahagi ako ngayon ng isang tunay na pambuong-daigdig na kapatiran.”​—TITUS

Karanasan​—TITUS

Dinaig ang Pagkapoot

Titus.

Si Titus ay isang miyembro ng marahas na gang na galit na galit sa mga batas na may bahid ng diskriminasyon sa lahi. Sinabi niya: “Pumupunta kami sa mga lugar sa bayan na bawal ang mga itim, gaya ng mga hotel at bar, para manggulo.” Napansin ni Titus na nadaig na siya ng poot, at sinabi pa niya: “Kapag napapaaway ako, sa lalaki man o babae, ako ang laging unang nanununtok.”

Nagbago si Titus mula nang makipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Nang basahin niya ang Bibliya, nagkaroon ito ng malaking epekto sa buhay niya. Naantig siya sa pangako sa hinaharap na “mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—Apocalipsis 21:3, 4.

Noong una, nahirapan si Titus na alisin ang poot sa puso niya. “Napakahirap baguhin ang aking pag-iisip at paggawi,” ang sabi niya. Pero nakatulong sa kaniya ang natutuhan niya sa Gawa 10:34, 35. Binanggit doon na ang Diyos ay hindi nagtatangi.

Ano ang resulta? Sinabi ni Titus: “Kumbinsido ako na ang mga Saksi ni Jehova ang tunay na relihiyon nang makita ko ang pag-ibig nila sa isa’t isa, anuman ang kanilang lahi o kulay. Bago pa man ako mabautismuhan bilang isang Saksi, inanyayahan ako ng isang puting kakongregasyon ko sa kaniyang bahay upang kumain. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa naranasang maupong katabi ng isang puti, ano pa kaya ang kumain sa bahay niya. Bahagi ako ngayon ng isang tunay na pambuong-daigdig na kapatiran.”

Mababasa ang karanasan ni Titus sa Ang Bantayan, Agosto 1, 2009, pahina 28-29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share