Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2004 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat para sa 2003 Taon ng Paglilingkod
“Patuloy Kayong Magbantay . . .
Maging Handa.”—Mateo 24:42, 44.
Palagi tayong pinaaalalahanan ng Salita ng Diyos na ang araw ni Jehova ay darating nang biglang-bigla. Dahil dito, madarama sa ating taunang aklat para sa 2004 ang masidhing pag-ibig ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na hangad niyang maitawid sa “malaking kapighatian.” (Apoc. 7:14) Paano tayo mananatiling mapagbantay at nakahanda sa espirituwal na paraan? Sa pamamagitan ng hindi pagpapahintulot sa anumang bagay na makaabala sa ating pag-aaral ng Salita ng Diyos at sa ating mga pribilehiyo ng sagradong paglilingkod. Ang Taunang Aklat na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng matatapat na Saksi, na nagsapuso sa maibiging payo ni Jesus. Matularan mo sana ang kanilang pananampalataya.
[Credit Line Picture sa pahina 2]
Mga makina sa paglilimbag na nasa pahina 13, 22, at 23: Copyright by MAN Roland Druckmaschinen AG