Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2005 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat Para sa 2004 Taon ng Paglilingkod
“Ang Tulong sa Akin ay Mula kay Jehova.”—Awit 121:2.
Talaga ngang nabubuhay na tayo sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Tim. 3:1) Kapag napapaharap ka sa mga pagsubok at mga problema, kanino ka umaasa ng tulong? Tiyak na sintigas din ng bato ang iyong pananalig na gaya ng sa salmistang sumambit sa mga salitang napili bilang ating taunang teksto para sa 2005. Sa susunod na mga pahina, mababasa mo ang mga karanasan ng maraming kapatid na umasa sa tulong ni Jehova upang makapagbata nang may katapatan. Sana’y mapalakas ka ng kanilang mga karanasan sa iyong determinasyon na laging umasa kay Jehova, dahil alam mong handa siyang tumulong sa mga matapat sa kaniya.—2 Cro. 16:9a.
[Picture Credit Lines sa pahina 2]
Pahina 13: THONY BELIZAIRE/AFP/Getty Images; pahina 105: Avec l’aimable permission du journal La Dépêche de Tahiti