Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2006 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat para sa 2005 Taon ng Paglilingkod
“Dapat Naming Sundin ang Diyos Bilang Tagapamahala sa Halip na mga Tao.”—Gawa 5:29.
Bago siya namatay, binabalaan ni Jesus ang kaniyang mga apostol na sila ay “magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa.” (Mat. 24:9) Natupad ang mga pananalitang iyan magmula pa sa pasimula ng Kristiyanismo. Napakaraming gobyerno ang nagsikap na patahimikin ang paghahayag ng mabuting balita, ngunit nabigo sila dahil pinagpapala at binabantayan ni Jehova ang mga tapat sa kaniya. (Awit 97:10) Kung gayon, angkop na angkop nga na lagi nating isaisip ang ating taunang teksto para sa 2006! Sa susunod na mga pahina, malalaman mong ang mga Saksi ni Jehova ay sumusunod sa Diyos bilang Tagapamahala sa kabila ng maraming anyo ng pagsalansang ng tao. Nawa’y mapatibay ka at mapalakas na laging tularan ang kanilang halimbawa.
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Pahina 6 at 12: Globo sa pabalat ng brosyur: Used with permission from The George F. Cram Company, Indianapolis, Indiana