Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2008 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat Para sa 2007 Taon ng Paglilingkod
Ang aklat na ito ay kay ․․․․․․․․․․․․․․․․․
“Tumayo Kayong Matatag at Tingnan Ninyo ang Pagliligtas ni Jehova.”—EX. 14:13.
Parang wala nang pag-asa ang kalagayan. Mga tatlong milyong lalaki, babae, at mga bata ang nasukol sa kanlurang dalampasigan ng Dagat na Pula! Dahil sa matinding galit at kahihiyang dulot ng Sampung Salot na pinasapit ni Jehova sa mga Ehipsiyo, si Paraon at ang kaniyang hukbong militar ay parang mga gutóm na leong dumaluhong upang lapain ang walang-kalaban-labang mga biktima. Takot na takot ang mga Israelita. “Huwag kayong matakot,” ang sigaw ni Moises, “tumayo kayong matatag at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova. . . . Si Jehova mismo ang makikipaglaban para sa inyo.”—Ex. 14:13, 14.
Ipinakita ni Jehova ang kaniyang kahanga-hangang kapangyarihan nang hatiin niya ang Dagat na Pula para iligtas ang kaniyang bayan. Maraming ulit nang iniligtas ni Jehova ang kaniyang bayan sa harap ng ganitong wari’y wala nang pag-asang kalagayan! Sa ngayon, patuloy pa rin si Jehova sa pakikipaglaban para sa kaniyang mga lingkod, gaya ng mababasa mo sa maraming karanasang nilalaman ng Taunang Aklat na ito. Sana’y mapatatag ng taunang teksto para sa 2008 na sinipi sa itaas, ang iyong pananampalataya sa lahat ng pangako ni Jehova at mapatibay rin ang iyong pagtitiwala sa kaniyang maibiging patnubay.
[Picture Credit Lines sa pahina 2]
Photo Credits: Pahina 66: Chukchi: © B&C Alexander/Arcticphoto.com; pahina 254: Paglubog ng araw: Larawan: www.comstock.com