Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2010 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat Para sa 2009 Taon ng Paglilingkod
Ang aklat na ito ay kay ․․․․․
‘Binabata ng Pag-ibig ang Lahat ng Bagay. Hindi ito Kailanman Nabibigo.’—1 CORINTO 13:7, 8.
Sa “mga huling araw” na ito, marami ang ‘maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, at maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.’ (2 Tim. 3:1-4) Ibang-iba ang mga lingkod ni Jehova! Inuudyukan tayo ng pag-ibig na ipangaral ang Salita ng Diyos at ‘gumawa ng mabuti sa lahat.’ (Gal. 6:10) At sa pagpapakita ng pag-ibig, nakikilala tayo bilang mga tunay na alagad ni Kristo.—Juan 13:35.
Napakahalagang pasidhiin ang ating pag-ibig kay Jehova at sa kaniyang mahal na Anak, si Jesu-Kristo, sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa lahat ng ginawa nila para sa atin. Mahalaga rin na lalo pang mahalin ang ating mga kapatid at ang mga hindi pa nakakakilala kay Jehova. Dumating man ang mga pagsubok, makapagbabata tayo dahil sa pag-ibig. Maging paalaala nawa sa atin ang taunang teksto para sa 2010 na patuloy na pasidhiin ang napakahalagang katangiang ito—ang pag-ibig.
[Picture Credit Lines sa pahina 2]
Photo Credits: Page 66: Trader on bicycle: FAO Photo/K. Dunn; giraffe and waterfall: Courtesy of the Uganda Wildlife Authority; page 200: Jaguar: © Lynn Stone/Index Stock/age fotostock; Mayan ruins: © Jane Sweeney/Robert Harding Picture Library/age fotostock