PATULOY NA MAGBANTAY!
Kung Paano Ka Magiging Masaya Kahit sa Mahihirap na Sitwasyon—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Sa panahon ngayon, hindi natin kontrolado ang lahat ng puwedeng mangyari sa atin. Pero hindi nakadepende sa sitwasyon natin ang pagiging masaya. Nakadepende ito kung paano natin hinaharap ang sitwasyon. Sinasabi ng Bibliya na kahit may mga problema, “laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.” (Kawikaan 15:15) Ano ang puwede mong gawin para mas maging masaya ka? Tingnan ang ilang payo ng Bibliya na makakatulong sa iyo.
Harapin ang sobrang pag-aalala
Sinasabi ng Bibliya: “Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng tao, pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.”—Kawikaan 12:25.
Matutulungan ka ng Bibliya na hindi masyadong mag-alala. Para malaman kung paano, basahin ang artikulong “Ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Kabalisahan.”
Labanan ang kalungkutan
Sinasabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”—Kawikaan 17:17.
Sinasabi ng Bibliya na malalabanan mo ang kalungkutan kung magkakaroon ka ng malalapít na kaibigan. Basahin ang artikulong “Labanan ang Lungkot: Makipagkaibigan—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya.”
Mahalin ang Diyos at ang kapuwa
Sinasabi ng Bibliya: “Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo. . . . Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”a—Mateo 22:37-39.
Makakatulong ang pananalangin para mas maging malapít sa Diyos. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Nakikinig Ba ang Diyos sa Panalangin Natin?”
Kung susundin natin ang tinatawag na Gintong Tuntunin, maipapakita natin ang pag-ibig sa iba. Basahin ang artikulong “Ano ang Gintong Tuntunin?”
Baka gusto mo pang matuto nang higit tungkol sa Bibliya. Puwede mong subukan ang isang libreng pag-aaral sa Bibliya.
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.