Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwhf artikulo 1
  • Kung Paano Mo Kokontrolin ang Iyong Galit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Mo Kokontrolin ang Iyong Galit
  • Tulong Para sa Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang dapat mong malaman
  • Ang puwede mong gawin
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Galit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Lagi bang Masama ang Magalit?
    Gumising!—1994
  • Ang Galit—Ano Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Galit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Tulong Para sa Pamilya
ijwhf artikulo 1
Galit ang asawang babae dahil nanonood ng TV ang mister niya habang naghuhugas siya ng pinggan

TULONG PARA SA PAMILYA

Kung Paano Mo Kokontrolin ang Iyong Galit

May nasabi o nagawa ang asawa mo na ikinagalit mo, pero sinisikap mong itago ang galit mo. Nahalata niya iyon at nag-uusisa siya, kaya lalo ka pang nairita. Paano mo makokontrol ang galit mo sa gayong mga sitwasyon?

  • Ang dapat mong malaman

  • Ang puwede mong gawin

Ang dapat mong malaman

  • Ang paglalabas ng galit ay makasasamâ sa kalusugan. Ayon sa mga pag-aaral, mas malaki ang tsansa ng isa na magkaroon ng high blood pressure, sakit sa puso, depresyon, at problema sa panunaw kapag hindi nakokontrol ang galit. May koneksiyon din ang galit sa insomnia, pagkabalisa, sakit sa balat, at stroke. Kaya ganito ang sabi ng Bibliya: “Iwasan mo ang galit . . . , na hahantong lamang sa paggawa ng masama.”—Awit 37:8.

  • Makasasamâ rin ang pagkikimkim ng galit. Kapag hinayaang tumagal ang galit, para itong sakit na nakapipinsala sa loob ng katawan mo. Halimbawa, puwede kang maging mapaghinala o mapamintas. Dahil diyan, mahirap kang pakisamahan at puwede itong makasira sa pagsasama ninyo.

Ang puwede mong gawin

  • Tingnan ang magagandang katangian ng asawa mo. Maglista ng tatlong bagay na hinahangaan mo sa asawa mo. Sa susunod na magalit ka sa isang bagay na ginawa niya, isipin ang mga katangiang inilista mo. Makakatulong ito para makontrol mo ang iyong galit.

    Simulain sa Bibliya: “Ipakita ninyong kayo ay mapagpasalamat.”—Colosas 3:15.

    Asawang babae na nag-iisip kung paano siya tinutulungan ng mister niya sa mga gawain sa bahay, pinakikinggan, at inaalagaan kapag may sakit
  • Maging mapagpatawad. Una, sikaping unawain ang pananaw ng asawa mo. Tutulong ito sa iyo na magkaroon ng empatiya—na tinatawag sa Bibliya na “pakikipagkapuwa-tao.” (1 Pedro 3:8) Pagkatapos, tanungin ang sarili, ‘Napakaseryoso ba ng ikinagagalit ko at hindi ko siya magawang patawarin?’

    Simulain sa Bibliya: “Kagandahan [para sa isa] na palampasin ang pagsalansang.”—Kawikaan 19:11.

  • Mabait at mataktikang sabihin ang niloloob mo. Sa halip na sabihing “ikaw,” sabihing “ako.” Halimbawa, huwag sabihing, “Hindi ka man lang tumawag para ipaalám sa akin kung nasaan ka,” kundi, “Nag-aalala ako kasi gabi na at hindi ko alam kung nasaan ka.” Kung magsasalita ka nang mahinahon, makakatulong iyan para makontrol mo ang galit mo.

    Simulain sa Bibliya: “Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng asin.”—Colosas 4:6.

  • Magalang na makinig. Kapag nasabi mo na ang niloloob mo, pakinggan mo naman ang asawa mo nang hindi sumasabad. Kapag tapós na siya, ulitin ang mga sinabi niya para makita kung tama ang pagkakaunawa mo. Malaki ang maitutulong ng pakikinig para makontrol mo ang galit mo.

    Simulain sa Bibliya: “Maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.

Sina Tim at Jennifer

“Kung kikimkimin mo ang galit mo, hindi malulutas ang problema, at sa bandang huli, baka bigla ka na lang sumabog. Mas mabuting magalang na pag-usapan ang problema n’yo. Kapag napag-usapan na naming mag-asawa ang problema, sinasabi namin sa isa’t sa, ‘Bati na tayo, ha?’”—Jennifer, kasama ng asawa niyang si Tim.

Sina Jade at Corey

“Ang gustong-gusto ko sa asawa ko ay lagi siyang nakikinig sa akin at sa mga problema ko. Kahit hindi siya sang-ayon sa akin, pinakikinggan niya ang opinyon ko. Hindi niya minamaliit ang nararamdaman ko.”—Jade, kasama ng asawa niyang si Corey.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share