Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt p. 2022-2023
  • B1 Ang Mensahe ng Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • B1 Ang Mensahe ng Bibliya
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkatapos ng 4026 B.C.E.
  • 1943 B.C.E.
  • Pagkatapos ng 1070 B.C.E.
  • 29 C.E.
  • 33 C.E.
  • Mga 1914 C.E.
  • Sa hinaharap
  • B1 Ang Mensahe ng Bibliya
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Isang Hula na May Epekto sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Isinisiwalat ni Jehova ang Kaniyang Layunin
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Ang Binhi ng Serpiyente—Paano Inilantad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
B1 Ang Mensahe ng Bibliya

B1

Ang Mensahe ng Bibliya

Printed Edition

Ang Diyos na Jehova ang may karapatang mamahala. Ang pamamahala niya ang pinakamabuti. Matutupad ang layunin niya para sa lupa at sa mga tao.

Sina Adan at Eva sa Hardin ng Eden at ang ahas

Pagkatapos ng 4026 B.C.E.

Kinuwestiyon ng “ahas” ang karapatan ni Jehova na mamahala at ang Kaniyang paraan ng pamamahala. Nangako si Jehova na maglalaan siya ng isang “supling,” o “binhi,” na dudurog sa ahas, si Satanas. (Genesis 3:1-5, 15, talababa) Pero pansamantalang hinahayaan ni Jehova na pamahalaan ng mga tao ang sarili nila sa ilalim ng impluwensiya ng ahas.

Pinapakinggan ni Abraham ang pangako ng Diyos

1943 B.C.E.

Sinabi ni Jehova kay Abraham na magmumula sa mga inapo niya ang ipinangakong “supling.”—Genesis 22:18.

Haring David

Pagkatapos ng 1070 B.C.E.

Tiniyak ni Jehova kay Haring David at pagkatapos ay sa anak nitong si Solomon na magmumula sa mga inapo nila ang ipinangakong “supling.”—2 Samuel 7:12, 16; 1 Hari 9:3-5; Isaias 9:6, 7.

Si Jesus nang bautismuhan siya

29 C.E.

Tinukoy ni Jehova si Jesus bilang ang ipinangakong “supling” na Tagapagmana ng trono ni David.—Galacia 3:16; Lucas 1:31-33; 3:21, 22.

Si Jesus nang mamatay siya

33 C.E.

Ang ipinangakong “supling” ay nasugatan ng ahas, si Satanas, nang patayin si Jesus. Binuhay-muli ni Jehova si Jesus. Umakyat si Jesus sa langit at tinanggap ni Jehova ang halaga ng kaniyang perpektong buhay, na naging saligan para mapatawad ang mga kasalanan at magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga inapo ni Adan.—Genesis 3:15; Gawa 2:32-36; 1 Corinto 15:21, 22.

Inihagis ang ahas, si Satanas, sa lupa gaya ng ipinangako sa Apocalipsis

Mga 1914 C.E.

Ang ahas, si Satanas, ay inihagis ni Jesus sa lupa, at mananatili siya rito nang maikling panahon.—Apocalipsis 12:7-9, 12.

Namamahala si Jesus sa lupa mula sa trono niya sa langit gaya ng ipinangako sa Apocalipsis

Sa hinaharap

Ibibilanggo ni Jesus si Satanas sa loob ng 1,000 taon at pagkatapos ay pupuksain ito—ang makasagisag na pagdurog sa ulo nito. Matutupad ang orihinal na layunin ni Jehova para sa lupa at sa mga tao, malilinis ang pangalan niya na siniraang-puri, at maipagbabangong-puri ang paraan ng pamamahala niya.—Apocalipsis 20:1-3, 10; 21:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share