Mga Mangingisdang Humahatak sa Isang Lambat
Ang mga lambat noong panahon ni Jesus ay malamang na gawa sa mga hibla ng halamang lino. Ayon sa ilang reperensiya, ang isang lambat ay puwedeng umabot nang 300 m (mga 1,000 ft) ang haba at may mga pabigat sa isang gilid at mga pampalutang naman sa kabila. Mula sa bangka, ibinababa ng mga mangingisda ang lambat sa tubig. Minsan, dadalhin nila sa pampang ang mahahabang lubid na nakatali sa dulo ng lambat, at ilang tao ang unti-unting hihila sa magkabilang lubid papunta sa pampang. Nahuhuli ng lambat ang lahat ng madaanan nito.
Credit Line:
Library of Congress, LC-DIG-matpc-05687
Kaugnay na (mga) Teksto: