Sisidlang Naglalaman ng Kasulatan, o Pilakterya
Ang pilakterya ay maliit na sisidlang katad na naglalaman ng apat na teksto, ang Exo 13:1-10, 11-16; Deu 6:4-9; 11:13-21. Ilang panahon pagbalik ng mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya, nagkaroon ng kaugalian na magsuot ang mga lalaki ng mga sisidlang naglalaman ng Kasulatan sa panahon ng pang-umagang panalangin, maliban na lang sa mga araw ng kapistahan at Sabbath. Makikita sa larawan ang isang pilakterya mula pa noong unang siglo C.E. Natagpuan ito sa isa sa mga kuweba sa Qumran. Makikita sa drowing kung ano ang posibleng hitsura ng isang bagong pilakterya.
Credit Line:
© www.BibleLandPictures.com/Alamy
Kaugnay na (mga) Teksto: