Puno ng Igos
Sanga ng puno ng igos na may dahon at unang mga bunga sa panahon ng tagsibol. Sa Israel, umuusbong ang mga unang bunga sa mga sanga ng puno ng igos nang Pebrero at ang mga dahon naman ay sa mga huling araw ng Abril o sa Mayo, na nagpapahiwatig na malapit na ang tag-araw. (Mat 24:32) Dalawang beses sa isang taon namumunga ang mga puno: ang unang mga bunga, o unang mga igos, ay nahihinog nang Hunyo o sa mga unang araw ng Hulyo (Isa 28:4; Jer 24:2; Os 9:10), at ang pangalawang mga bunga naman, na mas marami, ay karaniwang nahihinog mula Agosto.
Kaugnay na (mga) Teksto: