KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 22-24
Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala” si Jehova?
Inihalintulad ni Jehova ang mga tao sa mga igos
Ang tapat na mga tapong Judio sa Babilonya ay gaya ng mabubuting igos
Ang di-tapat na si Haring Zedekias at ang iba pa na gumawa ng masama ay gaya ng masasamang igos
Paano tayo magkakaroon ng “isang puso upang makilala” si Jehova?
Bibigyan tayo ni Jehova ng “isang puso upang makilala” siya kung pag-aaralan natin at ikakapit ang kaniyang Salita
Dapat nating suriin nang tapatan ang ating puso at alisin ang mga saloobin at pagnanasa na sisira sa ating kaugnayan kay Jehova