Pinakamagandang Puwesto sa Sinagoga
Makikita rito ang posibleng hitsura ng sinagoga batay sa natirang bahagi ng unang-siglong sinagoga sa Gamla, isang lunsod na mga 10 km (6 mi) sa hilagang-silangan ng Lawa ng Galilea. Wala nang sinagoga mula noong unang siglo ang buo pa rin hanggang ngayon, kaya hindi sigurado kung ano ang eksaktong hitsura nito. Nasa paglalarawang ito ang ilang bahagi na malamang na makikita sa maraming sinagoga noong panahong iyon.
1. Ang mga upuan sa unahan, o pinakamagagandang puwesto, ay posibleng nasa plataporma ng tagapagsalita o malapit dito.
2. Ang plataporma kung saan binabasa ang Kasulatan. Posibleng iba-iba ang puwesto ng plataporma depende sa sinagoga.
3. Ang mga upuan sa tabi ng pader ay posibleng para sa mga may katayuan sa lipunan, at ang iba naman ay umuupo sa sapin sa lapag. Ang sinagoga sa Gamla ay posibleng may apat na hilera ng upuan.
4. Ang kaban kung saan inilalagay ang sagradong mga balumbon ay posibleng nasa pader sa likod.
Laging ipinapaalaala ng mga upuan sa sinagoga na ang ilan ay nakakataas sa iba, ang usapin na madalas pagtalunan ng mga alagad ni Jesus.—Mat 18:1-4; 20:20, 21; Mar 9:33, 34; Luc 9:46-48.
Kaugnay na (mga) Teksto: