Uwak
Ang uwak ang unang ibon na espesipikong binanggit sa Bibliya. (Gen 8:7) Nakakatagal ito sa paglipad, at isa ito sa mga ibong mapamaraan at kayang mabuhay sa mahihirap na kalagayan. Nang turuan ni Jehova si Job ng aral tungkol sa karunungang makikita sa paglalang, sinabi Niya na “naghahanda [Siya] ng pagkain para sa uwak.” (Job 38:41) Ipinakita ng salmista na si Jehova ang naglalaan ng pagkaing ibinibigay ng uwak para mapakain ang gutóm na mga inakáy nito. (Aw 147:9) Ginamit din ni Jesus ang mga uwak para tiyakin sa mga tagasunod niya na ang Diyos na naglalaan sa mga ibong ito ay siguradong maglalaan din ng pangangailangan ng mga lingkod Niya sa lupa. Sa tipang Kautusan, marumi ang uwak at hindi puwedeng kainin. (Lev 11:13, 15) Dahil naglalaan ang Diyos para sa maruruming uwak, makakasigurado tayo na hindi niya pababayaan ang mga nagtitiwala sa kaniya.
Credit Line:
Lior Kislev
Kaugnay na (mga) Teksto: