Mga Liryo sa Parang
Hinimok ni Jesus ang mga alagad niya na ‘tingnan kung paano tumutubo ang mga liryo’ at “matuto” mula sa mga ito. Ang orihinal na salitang isinaling “liryo” sa mga salin ng Bibliya ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng bulaklak, gaya ng tulip, anemone, hyacinth, iris, at gladiolus. Ayon sa ilang iskolar, malamang na anemone ang nasa isip ni Jesus. Pero posibleng ang tinutukoy ni Jesus ay ang anumang bulaklak na parang liryo. Makikita sa larawan ang scarlet crown anemone (Anemone coronaria). Ang mga bulaklak na ito ay karaniwan sa Israel, at mayroon ding asul, kulay-rosas, kulay-ube, o puti.
Kaugnay na (mga) Teksto: