Nasusulat na Kasunduan sa Pagbabayad ng Utang
Sa talinghaga ng di-matuwid na katiwala, binanggit ni Jesus ang paggawa ng nasusulat na kasunduan sa mga transaksiyon sa negosyo. (Luc 16:6, 7) Ang dokumentong papiro na makikita rito ay nasa wikang Aramaiko at mula noong mga 55 C.E. Natagpuan ito sa isang kuweba sa may Wadi Murabbaat, isang tuyong ilog sa Disyerto ng Judea. Makikita sa dokumento ang utang at ang kasunduan sa pagbabayad ni Absalom na anak ni Hanin at ni Zacarias na anak ni Jehohanan. Malamang na ganitong dokumento ang naisip ng mga tao nang marinig nila ang ilustrasyon ni Jesus.
Credit Line:
Courtesy of The Leon Levy Dead Sea Scrolls Digital Library; IAA, photo: Shai Halevi
Kaugnay na (mga) Teksto: