Ebanghelyo ni Lucas—Ilang Mahahalagang Pangyayari
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod hangga’t posible
Ibang mga pangyayari ang makikita sa bawat mapa ng Ebanghelyo
1. Nagpakita si anghel Gabriel kay Zacarias sa templo at inihula niya ang pagsilang kay Juan Bautista (Luc 1:8, 11-13)
2. Pagkasilang kay Jesus, may mga anghel na nagpakita sa mga pastol na nasa labas malapit sa Betlehem (Luc 2:8-11)
3. Nakipag-usap ang 12-taóng-gulang na si Jesus sa mga guro sa templo (Luc 2:41-43, 46, 47)
4. Dinala ng Diyablo si Jesus sa “tuktok ng templo” at tinukso (Mat 4:5-7; Luc 4:9, 12, 13)
5. Binasa ni Jesus ang balumbon ni Isaias sa sinagoga sa Nazaret (Luc 4:16-19)
6. Pinaalis si Jesus sa sarili niyang bayan (Luc 4:28-30)
7. Nagpunta si Jesus sa Nain; lumilitaw na galing siya sa Capernaum (Luc 7:1, 11)
8. Binuhay-muli ni Jesus ang kaisa-isang anak ng biyuda sa Nain (Luc 7:12-15)
9. Ikalawang paglalakbay ni Jesus para mangaral sa Galilea (Luc 8:1-3)
10. Binuhay-muli ni Jesus ang anak ni Jairo, posibleng sa Capernaum (Mat 9:23-25; Mar 5:38, 41, 42; Luc 8:49, 50, 54, 55)
11. Nang dumaan si Jesus sa Samaria papunta sa Jerusalem, sinabi niya: “Ang Anak ng tao ay walang sariling bahay na matulugan” (Luc 9:57, 58)
12. Isinugo ni Jesus ang 70, posibleng sa Judea (Luc 10:1, 2)
13. Lokasyon ng ilustrasyon ng mabuting Samaritano—daan papuntang Jerico (Luc 10:30, 33, 34, 36, 37)
14. Nagturo si Jesus sa mga lunsod at nayon sa Perea at nagpunta sa Jerusalem (Luc 13:22)
15. Pinagaling ni Jesus ang 10 ketongin nang dumaan siya sa pagitan ng Samaria at Galilea (Luc 17:11-14)
16. Tumuloy si Jesus sa bahay ni Zaqueo, isang maniningil ng buwis, sa Jerico (Luc 19:2-5)
17. Nanalangin si Jesus sa hardin ng Getsemani (Mat 26:36, 39; Mar 14:32, 35, 36; Luc 22:40-43)
18. Ikinaila ni Pedro si Jesus nang tatlong beses sa looban ng bahay ni Caifas (Mat 26:69-75; Mar 14:66-72; Luc 22:55-62; Ju 18:25-27)
19. Sa lugar na tinatawag na Bungo (Golgota), sinabi ni Jesus sa kriminal: “Makakasama kita sa Paraiso” (Luc 23:33, 42, 43)
20. Nagpakita si Jesus sa dalawang alagad na papunta sa Emaus (Luc 24:13, 15, 16, 30-32)
21. Isinama ni Jesus ang mga alagad hanggang sa Betania; umakyat si Jesus sa langit, mula sa kalapít na Bundok ng mga Olibo (Luc 24:50, 51)